"MAAYOS KANABA TALAGA Eeya?" Nag aalalang saad sa akin ni Andrea. Nakangiti akong tumango rito. "Oo naman, kayang kaya ko na!" Nakangiting saad ko habang nilalagay ang mga maruming damit namin sa palanggana.
(THE PALANGGANA)
"Ngunit Eeya, nag kukumbolso ka kagabi, hindi natin alam na baka maulit yun muli o mamayang gabi." Muling pangungulit ni Andrea habang hinihile si Calista na ngayon ay mahinang naiyak. Natatawa akong umiling iling. "Ano kaba! Ayos lang ako! Saka nakakasiguro akong hindi yun mangyayari!" Natatawang saad ko sabay lagay nang pampalo yata to sa damit. Tsk.
Mag sasalita pa sana si Andrea nang muli ko syang inunahan. "Saka kapag ako hindi nag laba ngayon, anong isusuot natin bukas? Natin nila Ama?" Nakangising saad ko kay Andrea.
Bumontong hininga ito na para bang wala nang magagawa. "Alam kung hindi na kita mapipigilan ngunit tandaan mo Eeya, huwag mag papagabi, kapag nakita mong umaalis na ang karamihan ikaw ay sumonod narin." Nag bibiling saad ni Andrea na may halong pananakot.
Napataas naman ang kilay ko sa expresyon nang mukha nya. "Bakit? Ano naman kung maiwan ako doon? Doon mag isa sa talon?" Takang saad ko. Bumontong hininga si Andrea at binaba si Calista na ngayon ay nakatulog na.
Tiningnan nya ako na parang nanakot. "Ang sabi sabi nang karamihan rito ay may nag babantay daw sa talon na iyun kaya kulay asul ang tubig, at dahil daw nagiging ganoon ang tubig dahil kumukuha nang birheng babae ang taga pag bantay sa talon na iyun, kung kaya't ako'y na ngangamba na baka ikaw ay mabiktima Eeya." Seryosong saad ni Andrea na parang matanda.
Napatitig ako kay Andrea. Kumurap ako nang tatlong beses sabay tawa. "Nag paniniwala kasa mga sabi sabi Andrea! Hahahaha!" Natatawang saad ko kay Andrea.
Napakamot naman ito sakanyang ulo. "Eeya ako'y nangangamba lang, ayokong mabalitaan na nawawala ka at nagi kang isa sa nakuha nang taga pag bantay sa talon." Napangiti nalang ako kay Andrea. Sya ang pinaka the best na Ate na nakilala ko. Kahit kinakatawa tawa na sya ay nandoon parin ang pag alala sakanyang mukha na parang walang pag babago dahil sa sinabi ko.
Nakangiti kung tinapik tapik ang balikat ni Andrea. "Walang mangyayari sa akin Andrea, mag lalaba lang ako at walang kukuha sa akin na taga bantay nang talon." Natatawang saad ko kay Andrea. Napabuntong hininga nalang ito at napaka rami pang sinabi kapag nag lalaba ka sa talon.
Ito kasi ang una kung pag lalaba. Palagi kasing si Aexniqn at Liwayway ang nag lalaba pero dahil hindi ako binayagang mag tinda ngayon mag lalaba nalang ako. Tsk. Baka mabaliw pa ako kapag nakahiga lang ako rito. Tsk.
Nang makalabas ako ay nakita ko si Ligaya na naka ngiting nakikipag usap sa ibang babae. Ngiting ngiti ito na akala mo ay walang pinoproblema. Sana all nalang walang problema tsk.
Nang makalapit ako sakanila ay ngumiti ang mga babae sa akin lalo na si Luningning. "Tayo'y humayo na." Nakangiting saad ni Luningning. Nag simula naman kaming mag lakad habang may dalang kanya kanyang palanggana namay lamang maruming damit.
BINABASA MO ANG
Volviendo Al Pueblo Hundido
Historical FictionSa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung nakaraan ay ngayon ay mag paparamdam? Makakaya mo kayang pag tagumpayan ang misyon mo para matahimik ang kaluluwa mo nung nakaraan? Makakay...