-Akisha's Point of View-
Umupo na kami sa upuan (malamang) at nag-order ng makakain...Nakita ko ang mga ibang estudyante na nakatingin saamin,alam kong wala kaming privacy dito dahil cafeteria 'to kaso lang nakakailang ang mga titigan nila saakin lahat.
"Xiexieee!!!"nakakarinding sigaw ni penelope.
"Ano ba?naadik ka nanaman?"pagsusungit ko sa kaniya.
"Ang cute niyo lang tingnan ni luke HAHAHA"nakakainsultong tawa niya sabay alis.
Pati ikaw?wala namang namamagitan saamin ni luke we're just friends when we're child.
Damn it this little shit!
"Oh let's eat"sambit ni luke sabay abot saakin ng mga gulay.
"Mukha ba akong kambing?seryoso ka?sa ganda kong 'to?papakainin mo ako ng mga gulay?where's the meat?chicken?bakit wala kang dala?"pagsusungit ko sa kaniya.
Tinawanan niya lang ako na agad kong ikinatulala.
"Mag diet ka Ms.Mendoza"tumatawa niyang sambit na ikinais ko.
Sinamaan ko siya ng tingin adik ba siya?ang sexy sexy ko na nga duhhh.
Kumain na lang ako ng mga gulay na nasa harapan ko habang tinitingnan ang mga chicken na kinakain ni luke na alam kong pinapainggit niya saakin.
Kahit kelan napakasama ng ugali kasing sama ng mukha niya Pfftt.
"Are you done?"pagtatanong ni luke saakin habang natatawa dahil di ko kinain ang ibang gulay.
Bobo talaga 'to ang talino nga sa math bobo naman ata sa ibang subject...Oo masustansya ang gulay pero kahit isang pirasong pork man o chicken walang kasama?hindi yun nakakatuwa luke yari ka talaga saakin.
"Oo nabusog ako sobra....Sobra sobra"pinipigilan kong gigil na ikinatuwa niya.
Happy pa siya don?.
Umalis na kami at hindi na ako tumuloy sa next sub or last sub namin...Dahil damay damay na 'to di ko na rin pinapasok ang mga SSG Officers.
Nandoon kami sa SSG Office at nag-uusap about sa darating na pool party na gaganapin sa cebu.
"How about sa mga new students?na lumabag sa rules dito sasama pa ba natin sila?"sambit ni luke.
"Why not?mas mabuti na yun para malaman nila ang mga nangyayari sa university na 'to"sambit naman ni alice.
"Pero may pusibilidad din na manggulo sila i mean sila ang pagsimulan ng away at ayaw ni headmaster at principal na may nangyayaring gulo lalo na sa mga events"pagpapaliwanag naman ni elliana.
May point naman silang lahat kaso lang nagi-guilty din ako kung hindi namin sila isasama at baka mag reklamo pa si Mrs.Cruz.
"Isasama natin sila kayong tatlong bahala sa tatlong ungas at ak-"hindi ko na napagpatuloy ang sinasabi ko dahil tumayos si luke sa harapan ko.
"Ako na kay alex...Mas mabuting ako na lang ang mag-assist sa kaniya at baka kayo pa ang mag-away kung ikaw ang susunod sunod sa kaniya"sambit niya habang naka poker face.
Ok?hays sige na nga wala din naman akong interesado na mag-bantay sa ungas na yun.
"Kailan nga ba darating ang pool party?"tanong ni alice.
"Sa saturday 4 days na lang"sambit naman ni elliana.
Si alice ang secretary pero walang alam kung kelan darating ang pool party kahit alam ko siya ang sinabihan ko?tumatanda na ba 'tong babae na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/266658338-288-k810999.jpg)