-Alex Point of View-
"Bakit di pa kayo kumpleto?"pagtatanong ko.
"Hindi kasi ganon kadali ang maghanap ng Officers na babagay sa ganong position"sambit ni luke na naka poker face.
Magkapatid siguro sila ni Ms.Sungit.
"Aalis na ako at nawawalan ako ng gana mauna na ako akisha"sambit ni luke at tumango lang si akisha.
"Aalis na rin ako at aalis kami nila ate"sambit naman ni alice.
Sumabay na lang din sila elliana at penelope.
Naiwan kaming dalawa ni Ms.Sungit.
"Di ka pa ba aalis?"malamig na sambit saakin ni Ms.Sungit.
"A-ahmm mamaya na siguro hinihintay ko pa si mama"sambit ko.
"Mama's boy?"sambit niya habang nakangisi.
Aba kung di ka lang babae baka nasa ibang planeta ka na ngayon.
"Hindi may sasabihin lang daw siya at hintayin ko na lang daw"sambit ko.
"By the way narinig mo naman ata yung meeting kanina....So gusto ko ikaw ang mag-ayos ng lahat ng yun"sambit niya na ikinagulat ko.
Seryoso?Peace Officer po ako hindi secretary,president,vp or year level representative...Bakit ako lang ang gagawa?.
"I am a newbie peace officer bakit ako lang ang gagawa?"pagtatakang tanong ko.
" 'Cauz i think kaya mo....baka nakakalimutan mo ang responsibilities mo...Perform such other duties assigned by the most beautiful Supreme Student Government President"sambit niya na ikinasalubong ng kilay ko.
Talaga lang ba?bakit kita susundin?.
"Hindi ako papayag sa inuutos mo di naman pwedeng ako lang ang gagawa non"sambit ko na aktong aalis na ako ngunit nagsalita pa siya.
"E di tanggal ka na sa SSG Officer always remember your responsibilities as a member of SSG again perform such other duties assigned by the most beautiful supreme student government president"sambit niya at tinulak ako para lumabas siya ng una.
Ang laki ng galit saakin non ah.
Lumabas na rin ako at naghintay malapit sa gate nang nakita ko si Ms.Sungit na palabas na rin sa school.
"By the way Mr.Lewis pumasok ka bukas ng 5:30 agahan mo huh?ikaw na rin muna ang mag attendance sa mga papasok at hindi papasok na students bukas and perform such other duties assigned by the most beautiful supreme student government president"sambit niya sabay alis.
Ang sama ng ugali bakit ako lahat?tapos ganong kaaga?holy shit.
"Oh anak kamusta?congrats pala buti pumayag yung masungit na presidente na yun"sambit ng mama ko.
"Sa gwapo kong 'to?"sambit ko sabay tawa.
-Alex House-
Nakauwi na kami ng ligtas HAHAHA naghahanda na rin ako ng mga pwedeng gawin sa pool party...Pinapahirapan na agad ako kabago bago ko pa lang...
"Ma si akisha ba at si luke in a relationship?"tanong ko.
"Ammm why?"pabalik niyang tanong.
"Wala naman para kasi silang mag jowa HAHAHA"pagpapalusot ko.
