-Elliana's Point of View-
Naririnig naming apat ang sigaw ni akisha sa mga bagong estudyante at sana di niya parusahan ang mga yun ng dahil lang sa kabayaan ko....Lumabas una ang tatlong ungas na lalaki na sa pagkakatanda ko ay sila daniel,john at reign.
"Nasaan yung isa niyong kasama?"pagtataka kong tanong.
"Nandoon ewan ko kung anong pinag-uusapan nila pinaiwan kasi ng Ms. Mendoza na yun aba ewan"naguguluhang sambit ni daniel.
Habang nag-hihintay kami sa labas ay nakarinig nanaman kami ng sigaw at tawa at maya maya pa'y lumabas na si akisha at sumunod naman si alex lewis (kuno) na anak daw ni Mrs.Cruz.
"Pumasok kayong apat"sambit ni akisha saba'y talikod saamin.
Agad naman kaming pumasok dahil ayaw niyon ng mabagal pfftt.
"Hindi ko nagustuhan ang asal ng mga lalaking yun at gusto ko kayong tatlo ang magpabago sa kanila bilang president hindi ko muna kayo paparusahan ang gusto ko baguhin niyo ang asal ng mga yun naiintindihan ba ako?"sigaw saamin ni akisha.
"Masyado ka naman atang stress sa anak ko at mga kaibigan niya"nakangising sambit ni Mrs.Cruz kay akisha.
"Hindi mo kasi ata tinuruan ng good manners yang ungas mong anak kaya ganyan papasukin mo dito ng ganyan yung asal at aura?HAHAHA"natatawang sambit ni akisha.
"Tinuruan ko ang anak ko ng magandang asal hindi lang kasi maganda ang asal mo"nakangiting sambit naman ni Mrs.Cruz.
Yan nanaman sila laging nag-aaway eto naman si akisha kahit matanda sa kaniya papatulan niya di nanaman niya inilugar yung kamalditahan niya well sanay naman kami....Lagi.
"Ano yun sarcasm?HAHAHA magandang asal daw tapos kung makatawa sa principal at headmaster kanina parang wala lang ah"sambit naman ni akisha habang umupo sa SSG president chair.
Nakita ko ang gulat,kaba,at takot ni Mrs.Cruz dahil sa sinabi ni akisha takot siya kay akisha dahil malakas ang kapit ni akisha sa principal at headmaster namin pero hindi yun ginagamit ni akisha dahil kahit mag-isa lang siya kaya niyang patalsikin ang kahit sino man.
Alam ni akisha maging ako at ni Mrs.Cruz ang magiging mangyari pag sinaltik si headmaster.Lumabas na si Mrs.Cruz.
"Kayong dalawa ayoko ng male-late kayo bukas at sa darating pang bukas now leave"sambit niya na ikinaripas namin ng takbo.
Inatasan si alice na maging yaya ay este bantay ni john inatasan naman si penelope na maging bantay si reign at inatasan naman ako kay daniel si akisha na lang daw ang bahala kay axel.
"Ano?magpapabantay kami sainyo?hello?kahit babaero kami never"taas kilay na sambit ni reign.
"Kung may reklamo ka umalis ka sa university na 'to"sambit naman ni penelope.
"Sumunod kayo saaking apat"sambit ni akisha na ikinagulat namin.
Sumunod naman agad ang apat na ungas na yun.
"Axel's Point of View-
Pagpasok palang namin sa gate ay hindi na maganda ang tingin saamin ni Ms.Sungit pero wala kami pake dahil teacher naman ang mama ko dito kaya ayos lang....Pinasunod kami ni Ms.Sungit sa kaniya at dinala sa pinaka dulo ng university at pinaupo sa parang tambayan ng mga SSG dahil sa ganda ng view at maganda ang ayus dito.
Pinaupo niya kami sa upuan (malamang) at umupo naman siya sa table (nanaman) na napag-isip isip ko rin na favorite routine niya sa tuwing may kausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/266658338-288-k810999.jpg)