Chapter 1
"Love is Appreciation"
Cyra's POV
"1 month?! You'll be leaving in less than a month and didn't bother to tell me?!" Futakte ka Minjoon, she deserves an explanation. Sumagot ka!
"Tell me, that's not true right? Your joking right?!" TAENA MO TALAGA MINJOON HUHU SUMAGOT KA *punas sa kumot*
"I'm s-YA CYA RAINA!" Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Kuya Raph. HANUBAYAN PANIRA!
"KUYA NAMAN PANIRA KA! NAGMOMOMENT KAMI NG KUMOT KO ASDFGHJKL" Sigaw ko sa kanya. E kasi naman, magsasalita na! Tapos bigla siyang dumating tapos nalagpasan ko pa yung moment kaya kailangan ko pang ibalik tapos magaantay pa ako ng minutes para mag load kasi turtlenet AHUHUHUHUHU!
"I don't care. Get your ass out of your room, fix yourself and go downstairs. Male-late ka na sa klase pero nagawa mo pang magdrama sa kwarto mo? First day na first day." WALA AKONG PAKE, KANINA PA AKO NAKAAYOS! WALANGHIYA!
Binato ko sa kanya yung kumot na gamit ko pero nalate ako ng bato dahil nasara na niya ang pinto. Bwiset!
"Abangan mo talaga tong batok ko sayo mamaya pagkababa ko, bwiset" bulong ko sa sarili ko habang inaayos yung gamit ko.
Nagayos muna ako ng konti sa harap ng salamin tsaka ako bumaba. Bumungad sa akin si Kuya na mukhang timang na nakacross arms sa harap ko at nakataas ang isang kilay.
"Mukha kang timang. Anong meron?"
Tinalikuran niya ako, naglakad patungo sa sofa at kumuha ng libro. Tingnan mo to, bastusan aba. Kausap ako tapos ganyan?
"Kanina pa nagaantay si Mang Ed sa labas. Dalian mo na" Sabi niya sa akin habang nagbabasa ng libro, hindi man lang ako tiningnan. Aba bastos na bata.
"Ito na nga po kamahalan, paalis na." Sabi ko habang naglalakad palabas. Ang aga aga pa tapos papaalisin niya ko ng bahay. Edi kanya niya to huhu.
"Kailan pala uwi nila mommy?!" Tanong ko kay kuya habang kumukuha ng tinapay sa dining table. Note: medyo malayo yung dining table sa living room, so medyo pasigaw kong tinanong.
"Probably next week. You don't have to shout. And text dad, tinatanong kung gusto mo daw ng dress. Sayang naman ang France. And please, dalian mo. Kanina pa si kuya Ed sa labas." Sabi niya
"Ito na nga! Bye!" Sigaw ko
"Say hi to Sab for me!" Rinig kong sigaw niya. Ha! Asa siya!
Pagkasakay ko sa sasakyan..
"Kuya daan po muna tayo sa starbucks!" Mabait na bata.
--
"Thank you ma'am! Enjoy your java chip and cookies!" Sabi nung babae sa akin. Nginitian ko na lang siya at pumunta sa table ko. Pag upo ko nangunot agad noo ko. I'm certain na akin tong order dahil ako palang naman ang nag order, pero jusko kailan pa naging Sarah ang Cya?! Ang starbucks talaga jusko iniiba mood ko.
BINABASA MO ANG
It's Love
RomanceLove has different meanings, has a lot of different ways to hit a person. You wouldn't even notice that you are already under the spell 'LOVE'. Cya Raina Fuentes, your typical girl: Book lover, couch potato, drama addict, tahimik na bungangera, mat...