Chapter 2
"One person, thousands of feelings."
Cyra's POV
"Wait lang Sam--teka easy ka l--ANAK NG TOKW--OH MY GOSH!"
"WTF?! WOMAN, WHAT HAVE YOU DONE?!" Sigaw ng lalaking may maduming polo, at may straw pa na nakadikit sa gilid, sa akin. Halos magdikit na yung dalawa niyang kilay sa kunot ng noo niya. OMG, WHAT HAVE I DONE?!
Gulat na gulat sa nangyari, hindi ko magawang tumayo para lapitan siya. Dahil nga lampa ako, at dahil nga sexy-este payat ako, napaupo ako sa pagkabangga ko sa kanya. Pero hindi lang siya ang natapunan! Ako din naman! But still, he looks so scary! Nanggigigil na siya sa galit! Bwiset, isa na namang cliche moment ang nangyari sa buhay niya, so amazing right? No. SERIOUSLY NOT AMAZING!
"Shit, shit, shit!" Mentally cursing myself at the moment dahil sa kagagawan ko, ng bestfriend ko, and of course of what this dude did. Yes, nabangga ko si guy. Yes, natapunan ko si guy ng frappe. E kung hindi ba naman sa pinaggagagawa nitong lalaki na to, hindi sana kami nagbangga. Alam naman na sobrang dami na ng tao, nagawa pang rumampa sa gitna ng daanan!
Yung kaninang mga walang pake na tao na gusto lang kumain, nakikikumpol at nakikichismis na ngayon sa amin. Iba-ibang reaction ang nabigay ng mga taong nakasaksi sa stunt ko. Yung isa pa ngang babae napalakas ang tawa, as in sobrang lakas! Nangingibabaw! Natitigan tuloy siya ng masama. For hell's sake Cyra! Mukhang bigatin tong lalaki!
"A-a-ano k-kuya, s-sorry ta-talaga! Hindi ko sinasadya! So--" hindi ko na natuloty yung sinasabi ko ng biglang sumabat yung lalaki.
"SORRY?! Mababalik ba ng sorry mo itong polo ko?! I just bought this yesterday!"
Nagulat naman daw si ako, at napakunot na noo ko. "Ako na nga tong nagso sorry tapos ikaw pa galit?" Bulong ko sa sarili ko, at mukhang narinig nito lalaki.
"What did you say?" He said slightly leaning his head at pinanliitan pa ako ng mata. Mukhang hindi makapaniwala sa narinig.
"I said sorry na nga diba? Ako na nga itong nagso-sorry, nagagalit ka pa? Kaya nga nagsosorry kasi nga nagkamali diba? At hindi ba uso washing machine sa inyo at kung makaemote ka na parang sunog na yang polo mo?" Inis na banat ko. Sinong hindi maiinis sa bunganga nitong lalaki to. Ang taas ng tingin sa sarili aba!
"At para tapos problema, magsorry ka na lang din. Obviously, pare-parehas lang tayo may kasalanan dito." Banat naman ni Sam na mukhang naiinis na din. True enough. Kung hindi ba naman siya pasiga-siga, pa cool-cool, pa-feeling model at naglalakad sa gitna ng daan, edi sana walang problema. Alam naman na maraming tao sa cafeteria. Di niya ba alam ang 'keep right'?
BINABASA MO ANG
It's Love
RomanceLove has different meanings, has a lot of different ways to hit a person. You wouldn't even notice that you are already under the spell 'LOVE'. Cya Raina Fuentes, your typical girl: Book lover, couch potato, drama addict, tahimik na bungangera, mat...