Prologue

1K 13 2
                                    

PROLOGUE

Top 10

1. Prince Alexander M. Rutherford
2. Ellaine P. Eperanza

"Congrats sa inyo!" bati sa amin ni Xandra.

"Paano ba yan una nanaman ako?" pang-aasar sa akin ni Xander. Simula noong naging kaklase ko siya naging pangalawa na lang ako sa lahat ng bagay. Ito ang final ranking namin ngayong grade 4 kami.

"Matatalo din kita! Maghintay ka lang!" sigaw ko sa kanya.

"Okay. Goodluck," nakangiting sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hay naku! Nag-umpisa nanaman kayong dalawa," komento ni Nathan, ang matalik na kaibigan ni Xander.

"Saan tayo pupunta mamaya? Gusto ko kumain ng ice cream," tanong ni Xandra.

"Winnie, saan mo gusto?" tanong sa akin ni Xander. Winnie ang tawag niya sa akin sa hindi malamang dahilan.

"Bakit ako tinatanong mo? Ayos lang sa akin kahit saan," sagot ko.

"Basta may icecream ayos na ako," sabi naman ni Xandra.

"Doon lang sa dati," aniya sabay alis. Nagsisunuran naman sa kanya ang mga barkada niya.

May naramdaman ako masamang nakatingin sa akin. Sanay na naman ako sa mga mata ng mga naiingit na babae sa akin. Simula noong naging kaibigan ko si Xandra nasama na ako sa kanila. Maraming naiinis sa akin dito. Hindi daw ako nababagay na makasama sila dahil pangit daw ako. Wala naman ako pakialam sa sinasabi nila dahil hindi naman nila alam ang totoo kong itsura kapag nakaayos ko.

"Dito na ako. Bye!" paalam ko kila Xandra. Kakatapos lang namin kumain sa labas tulad ng usapan namin.

"Ingat ka!" paalam nila sa akin. Sumakay na ako ng sasakyang sumundo sa akin.

Pagkaupo ko tinanggal ko agad ang suot kong salamin at ang pagkakatirintas ng buhok ko.

"Miss Shekinnah, pinapasabi po ng Daddy mo na gagabihin sila ng uwi. Wag ka daw aalis," sabi sa akin ng driver namin.

"Okay," walang ganang sagot ko.

Shekinnah Ellaine ang buong pangalan ko, pero mas madalas Ellaine lang ang ginagamit ko sa school dahil nakakapagod magsulat ng mahabang pangalan.

Bihira lang ang nakaalam ng una kong pangalan tulad ni Xandra at Cass. Sila lang din ang nakakaalam ng sikreto ko. Kung ano yun? Malalaman niyo din balang araw.

Kinuha ko ang libro ko at nag-umpisang mag-aral habang nasa biyahe. Kailangan ko paghandaan ang sunod kong laban kay Xander. Kahit abutin man ako ng ilang taon, hindi ako titigil hanggang hindi ko siya natatalo.

After 7 years...

"Checkmate. Panalo ako," nakangiting sabi ni Xander sa akin pagkatapos ng chess match namin. Tinignan ko ang king ko kung saan wala ng ibang mapuntahan.

Napabuntong hininga na lang ako. Ilang taon na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin siya natatalo.

"Ano gusto mo?" tanong ko sa kanya dahil may pustahan kami. Kung sino matalo ibibigay ang kahit na anong gusto ng nanalo.

"Kiss," sagot niya.

"Ha?" gulat na tanong ko. Tumayo siya bigla at hinawakan ako sa baba.

"Sabi ko kiss," pag-ulit niya sabay lapit ng mukha niya sa akin.

"No way!" sigaw ko sabay tapik ng kamay niya at takbo sa restroom. Pagtingin ko sa salamin pulang-pula na ang mukha ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok nito.

Ano ba nangyayari sa akin? Wag mo sabihin gusto ko si Xander? No! Hindi maari. Kapag nahulog ako sa kanya, ako ang talo. Imposibleng gusto niya ako. Ellaine, kalma ka lang. Inaasar ka lang ni Xander kaya niya sinabi yun.

"Hindi ako makakapayag na matalo niya din ako sa love," sabi ko sa sarili ko.

Dito nag-umpisa ang love game namin. Kung sino ang unang mahulog siya ang talo.  Ngunit hindi lamang basta larong pag-ibig ang kinahantungan namin, dahil isang buhay ang nakataya.

Itutuloy...

--------------

Prologue and characters muna. Sana magustuhan niyo. Thank you.

-ImaXlover

DARK ROYALTIES 4: LOSE TO WINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon