CHAPTER 3: CAR RACE
Elaine's POV
"Sorry late ako," sabi ko kay Xandra pagkadating ko sa meeting place.
"Ano nangyari sayo? Bakit ang dami mong bandaid sa mukha? Napaaway ka ba kaya hindi ka nakasabay sa amin kanina?" tanong ni Xandra. Nagtext kasi ako sa kanila na diretso na ako sa venue.
Kasalanan ito ni Xander. Pati sa mukha nilagyan ako ng kiss marks, wala tuloy ako choice kundi magsinungaling kila Xandra.
"Yeah!" tugon ko sabay tingin ng masama kay Xander.
"Bakit hindi ka naman nag-iingat? Minsan ko na nga lang makita ang ganda mo. Sabihin mo sa akin sino gumawa niyan sayo? Reresbakan ka namin."
'Yung kakambal mo ang may gawa. Pakisapak nga siya para wala na siyang mukhang maihaharap,' gusto ko sabihin sa kanya yan pero hindi pwede.
"Wag ka mag-aalala. Gaganti din ako sa kanya," nakangiting sabi ko sabay sulyap kay Xander.
"Kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa akin. Maghanda ka na, anytime mag-uumpisa na tayo."
"Okay."
Bumalik na siya sa tabi ni Rence.
"Hey! Long time no see!" akbay sa akin ni Keith.
"Yeah. Namiss mo ko no?" biro ko sa kanya
"Miss na miss. Bakit kasi bigla ka na lang susulpot tapos mawawala. Sa atin lahat ikaw lang yung hindi namin nakakasama sa school."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Hindi niya alam ang totoo kaya normal lang na isipin niya na hindi nila ako nakakasama. Nakokosensya tuloy ako dahil sa paglihim ko. Sabihin ko sa kanila ang totoo?? Matagal ko na din naman silang kilala at may tiwala ako sa kanila.
"Nag-umpisa ka nanaman sa kalandian mo. Wag yang si She," hila sa akin ni Cass.
"Thank you," pagpapasalamat ko sa kanya.
May naramdaman ako na nakatingin na masama sa akin. Pagtingin ko kay Xander, ang sama ng tingin nito sa akin na para bang gusto niya pumatay.
Hinila ako ni Cass palapit sa pwesto ng girls.
"Ingat ka kay Xander," bulong sa akin ni Zyrene.
"Bakit?"
"Mukhang type ka niya. Hindi naman sa tinatakot kita. Sabi sa akin ni Nathan noon na possessive daw yan. Kaya hindi na daw siya nagulat na naniwala agad si Rence noon kay Nathalie dahil hindi daw malabong gawin ni Xander. Kung hindi lang daw niya alam na hindi niya mahal si Nathalie baka naniwala na din siya," bulong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 4: LOSE TO WIN
Teen FictionSi Ellaine ay isang kilalang nerd sa school nila. Ang babeng ayaw magpatalo pero laging natatalo kay Xander.