CHAPTER 1: THE NERD
Ellaine's POV
"Winnie!" napalingon ako sa nag-iisang lalaki na kinaiinisan ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Ano nanaman kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Tinakasan mo ko kahapon. Yung pustahan natin," aniya habang nakangiti.
"Ano pustahan?"
Tinapik niya ng hintuturo ang labi niya na parang sinabi na 'kiss ko.' Natulala na lang ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan na hanggang ngayon hihilingin niya pa rin yun.
"Ano na?"
Napabuntong hininga ako.
"Pwedeng iba na lang?"
"Okay."
"Payag ka agad?"
"Ano tingin mo sa akin? Hindi naman ako mapilit na tao. Saka darating din ang araw na kusa mo gagawin yun," aniya sabay kindat sa akin. Kinilabutan ako bigla. Ano ba nakain ng lalaking ito? Bigla na lang siya nagbago? Hindi naman siya ganito dati.
"Ayun si Xander kasama si Ellaine," napatingin kami kila Allen. Malayo pa lang sila rinig na namin sila. Palapit sila sa amin. Tinignan ko si Keith na pinagsasabihan si Allen dahil ang lakas ng boses.
"Aww!" napahawak ako sa ulo ko nang may bumatok sa akin. Tinignan ko ng masama si Xander.
"Para saan yun?" reklamo ko sa kanya.
"Ang pangit mong ngumiti," lait niya sa akin sabay lapit kila Keith bago pa sila makalapit sa amin.
Napanganga na lang ako. Alam ko na hindi ako maganda sa ayos ko pero hindi naman ako pangit ngumiti. Alam ko na wala ako panama sa itsura niya.
"Nakasimangot ka nanaman. Natalo ka nanaman ba ni Xander?" tanong bigla sa akin ni Keith na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko. Ngingitian ko na sana siya pero naalala ko bigla yung sinabi ni Xander, hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot lalo. Nagulat na lang ako ng kurutin niya ang pisngi ko.
"Pangit sa babae ang nakasimangot. Dapat nakangiti ka lang palagi. Eh?"
Natigilan siya bigla at saka ako tinignan ng malapitan habang nakahawak sa pisngi ko. Pakiramdam ko pinag-aaralan niya ang mukha ko.
"M-may problema ba sa mukha ko?" tanong ko sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ang lapit ng mukha niya sa akin.
"Hmmm... Maganda ka pala. Parang may kamukha ka sa malapitan," aniya sabay lapit lalo sa akin.
"Ehem. Ano ginagawa niyo? Nasa public place tayo. Kung gusto niyo maglandian, wag dito!" sambit ni Xander at saka niya kami pinaghiwalay. Gumitna siya sa amin. Pagtingin ko da kanya ang sama ng tingin niya sa akin. Napalunok ako bigla dahil nakakatakot siya.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 4: LOSE TO WIN
Teen FictionSi Ellaine ay isang kilalang nerd sa school nila. Ang babeng ayaw magpatalo pero laging natatalo kay Xander.