Chapter 1

10 3 1
                                    

Umupo ng deretso si Nami sa kaniyang kama nang biglang nanikip ang kaniyang tiyan. Kakagising niya lang mula sa bangungot. Ilang gabi na itong nagigising dahil sa bangungot pero sa tuwing inaalala niya kung tungkol saan ito ay hindi niya maalala.

Napahinga ito ng malalim, inilabas niya ang kaniyang mga paa mula sa kumot at isinuot ang tsinelas saka tumayo. Naka-pikit at pagod pa ang kaniyang mata na nag-tungo sa CR para maligo.

Tanghali na kaya sigurado ay gising na ang mga kapatid niya, sa isip niya ay siguradong nanananghalian na ang mga ito sa baba kasama ang mga magulang. Kumuha siya ng damit sa kaniyang cabinet, hindi na ito namili ng fit na damit dahil alam niyang lahat ng kaniyang damit ay maluwang sa kaniya sa kadahilanang pinag-lumaan ito ng kaniyang mga kapatid. Hindi naman ganon kataba ang mga kapatid niya, medyo malalaki lang ang hinaharap ng mga ito kumpara kay Nami. Kumbaga ay mga voluptuous women ang mga ito kumpara kay Nami na petite lang. Hindi na niya pinansin ang itsura ng kasuotan nito saka lumabas ng kwarto para simulan ang araw.

Pumasok si Nami sa kusina na parang hangin lang dahil ang kaniyang anim nq kapamilya ay may sariling mundo na nag-uusap. Ang kaniyang naka-tatandang kapatid na kambal na sina Raquel at Rachelle. Ang naka-babatang kapatid na si Russel, bunsong si Rookie at ang kaniyang mga magulang.

Sina Raquel at Rachelle ang pinaka-matanda at sila ay kasalukuyang nasa senior year na ng kolehiyo, gusto nilang sundan ang yapak ng kanilang ina na Accountant at ama na Doctor. Si Russel ay nasa secondary at walang ibang ginawa kundi ang mag-aral, dalawang taon ang bata nito sa mga panganay. Si Rookie naman ay nasa high school na din.

There are five children in their family. Every child had a peson to play with except Nami. Huli na siyang ipinanganak para makisalamuha sa nakatatandang kapatid, at masyado namang maaga para makisalamuha sa mga naka-babatang kapatid. Siya ang black sheep ng pamilya.

Ang kaniyang mata ay kasing itim ng gabi hindi tulad ng kaniyang mga kapatid at magulang na hazel nut at kumikintab. Ang kaniya namang buhok ay makintab na itim samantalang sa kaniyang pamilya ay may pagka-blonde. Kumpara sa kaniyang may kapatid ay kakaiba siya.

Matapos kumuha ng pagkain ay umupo ito sa pinakadulong bahagi ng pahabang mesa tulad ng lagi niyang ginagawa saka tahimik na kumain habang nakikinig sa ikot ng usapan ng pamilya.

"A new family is moving next door. Gusto kong lahat kayo ay nandoon. Since sabado ngayon at next week ay patapos na ang klase ninyo kaya alam kong wala kayong lakad." Rose, ang kanilang ina. Pagkasabi nito ay agad umangal ang mga kaharap sa mesa.

Si Nami sa kabilang banda ay natuwa na makakakilala ng ibang tao. Magkakaroon na sila ng kapitbahay. Hindi pa niya sigurado kung kapitbahay nga ba ang dapat na itawag doon dahil ang agwat ng dalawang bahay ay aabutin ng anim na hektarya. Sila Nami ay nakatira malayo sa syudad. Nakatira sila malapit sa kagubatan kung saan ang malaking bahagi ng lupa nila ay tinatamnan ng kanilang ubas.

Mas pinili ng mga magulang ni Nami na manirahan malayo sa syudad dahil mas gusto nila ng payapang buhay. Kung tutuusin nga ay kaya nilang makipag-sabayang mamuhay sa syudad dahil may kaya naman sila kaya nga lang ay doon talaga ang gusto ng mga magulang niya. May bayan naman malapit sa tinitirhan nila at doon sila namimili ng mga kailangan nila once a week at doon din sila nag-aaral.

"I want you to be nice and welcome them. Nagkakaintindihan ba?" Kahit na naninirahan malapit sa kagubatan ay parang nasa-syudad lang si Miss David kung mag-salita at kumilos.

"Yes ma'am." sagot ng limang magkakapatid. Matapos ang kanilang tanghalian, na para kay Nami ay BrUnch, nagkaniya-kaniya na sila ng gawaing bahay. Ngayong araw ay naka-toka si Nami sa ubasan kung saan sa south part ng grape field nila ay dapat mahinog na niya ang mga ubas, kung hindi pa naman ay kailangan niya itong bigyan ng madaming tubig at fresh na lupa.

The UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon