Chapter 4

1 1 0
                                    

Binuksan niya ang pinto na patungo sa attic at nakita ang hagdan na paikot saka excited na umakyat dito. Nabighani siya sa luwang ng attic kahit na maalikabok at madaming kahon ang nagpatong-patong. Mayroon itong pinaka-kisame kaya hindi yero ang nakikita. Kahit na ginagamit lang ito para sa imbakan ng mga lumang gamit ay naka-furnished pa din ito. Mayroong mga lumang gamit dito na maaari pa niyang magamit tulad ng coffee table, single couch at shelves, hindi kalakihan ang mga ito kaya babagay sa magiging kwarto niya.

Nawawari na niya ang magiging itsura ng kaniyang kwarto kaya naman mas ginanahan siyang maglinis. Sinilip naman niya ang bintana na mayroong maliit na balkon. Napansin niya na ang tapat nito ay mga sanga ng malaking puno at naisipan niyang madali lang umakyat at bumababa dito sa bahay ng hindi na dumadaan sa main door.

Nakita niya ang magkatabing pinto sa gilid, nang buksan niya ang isa ay naisip niyang pwede ito para sa walk in closet niya habang ang isa naman ay isang full bathroom. Nagalak siya ng makitang may dumadaloy din na malinis na tubig dito.

Mukha nga itong hindi kwarto dahil mas mukha itong apartment.

Nang matapos niyang inspeksyunin ang kwarto ay tumalima naman agad ito pababa upang kumuha ng mga gamit na pang-linis. Dustpan, walis tambo, walis ting-ting, balde na may powder na panglinis, basahan at mop. Masigla niyang sinimulan ang pag-lilinis.

Matapos ang dalawang oras na tuloy-tuloy na paglilinis ay narinig niya ang ina na tumatawag na para sa hapunan. Mabilis siyang nagpunas ng pawis at nagpalit ng damit bago bumaba.

Magana siyang kumain dala na din ng pagod sa paglilinis. Habang kumakain ay iniisip niya kung paano maiaakyat ang kaniyang kama pero naalala niya na mayroon siyang kapatid na lalake at nandito din ang kaniyang ama. Kakausapin na lang niya ang mga ito matapos ang hapunan.

Habang tahimik sa hapag ay biglang nagsalita si Rey, ang kanilang ama.

"Kamusta ang kwarto Nami?" tanong ng ama sa kaniya dahilan para mapunta ang atensyon ng lahat sa kaniya.

"Okay naman po siya pa. Masaya po ako sa magiging bagong kwarto." Sagot nito na may kabaa dahil sa atensyon ng pamilya.

"Alam mo ba, inoffer ko 'yan sa iba mo pang kapatid pero tumanggi sila matapos makita na secluded 'yon sa loob ng bahay." Her father laughed softly.

"Paano nangyari na magkakaroon na siya na kwarto pa?" tanong ni Rachelle.

"Well, matanda na din siya kaya inoffer ko ang same offer sa inyo exept na lang na tinanggap niya 'to." Sagot naman ng ina.

"Oh, Russel. Tulungan mo akong iaakyat ang kama at mesa ng ate mo after ng dinner." Utos ng ama sa tonong wala nng magrereklamo. Nakahinga naman ng maluwang si Nami dahil hindi na niya kailangan pang suhulan ang kapatid sa pagtulong sa kaniya.

Matapos nga ang hapunan ay nagtungo na ang ama at si russel sa taas para tulungan siya sa pagbubuhat habang si Nami naman ay nagsimula ng mag-impake ng kaniyang gamit sa dati niyang kwarto kahati ang kapatid na kambal.

Matapos nito ay nagtungo na siya sa taas upang ayusin ang mga gamit. Ang mga lumang gamit na hindi gagamitin ni Nami ay pinalagay ng ama sa bodega sa ilalim ng hagdan kaya naman mas lumuwang sa kwarto niya. Konting linis na lang ang ginawa niya at pag-aayos ng gamit.

Matapos maglinis ay agad na siyang naligo dahil napansin niyang gabe na, isa pa ay may usapan sila Dred na magkikita sila ngayon.

Nagsuot siya ng hoodie dahil mamaya lang din ay mas lalamig na ang gabe. Kinuha niya ang kaniyang backpack at nag-pack ng lubid, med-kit, at iba pang bagay na sa palagay niya ay kakailanganin niya pero hindi ganon kadami para hindi siya mabigatan sa bitbit. Kumuha din siya ng kutsilyo na hindi kalakihan pero pwedeng ipang-saksak sa puso. Nagdala din siya ng pagkain baka sakaling gutumin siya sa mag-damag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon