Anak

40 3 1
                                    

Yumao siyang hindi nasilayan
Ang anak na bunga ng nakaraan
Tanging hangad niya'y makasama
Kahit panandalian lamang

"Anak napakasakit
Simpleng pangarap hindi nakamit
Iyon ay ang mayakap ka ng mahigpit
Tadhana ay sadyang napakalupit"

Inamin niyang siya'y nagkamali
Ng ika'y kanyang hindi binawi
Iniluhod sa Diyos
Lahat ng kanyang dalamhati

Natakot sya noon
Pinagsisihan ang desisyon
Walang araw na nawaglit sa isipan
Ang anak nyang naiwan

Panahon man ay lumipas
Ala-ala mo'y hindi kumupas
Nanatili ka paring hiyas
Hangad ang kaligtasan oras-oras

Walang mapaglagyan
Ang kanyang kaligayahan
Noong una niyang nasilayan
Ang iyong magandang larawan

Ngunit para kang isang alitaptap
Na hindi nya mahagilap
Masdan mo ang mga ulap
Ang ina'y doon na lamang nakasulyap

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AnakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon