Author's Note: Some part of the story are based on the author's real life experiences and the rest are just a pure, wild imagination. Bear with it. Enjoy!😘
-----Marxha POV
Busy ang lahat para sa science camp na gaganapin bukas. Hindi rin magkandaugaga ang mga officers para sa gagawing mga activities bukas. At ako naman, heto nagpe-prepare din dahil my practice kami sa pageant. Yes, napilit nila ako. Ayaw ko nga sana kasi naman ano ang gagawin ko dun? Ni maglakad nga mukhang di ko magawa ng maayos. Bahala na talaga si Batman.
"Marxha, halika na. Magsisimula na ang practice." pag-aya sakin ni Angelica na kasama ko sa pageant. Magkakilala kaming dalawa at nasa sophomore year na siya.
"Sige gel, sandali tapusin ko lang to." dali-daling kong niligpit ang mga gamit ko at ibinalik sa locker ang iba.
"Tara na." sabi ko sa kanya.
Pagkarating namin sa gym marami nang nandoon. Bakit andami yatang tao dito? Manonood ba sila ng practice namin? Nakakahiya naman ito.
"Ah, Gel, ba't naman ang daming tao dito? Manonood ba sila ng practice?" hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at nagtanong na ako.
"Ah oo manonood sila. Alam mo naman mostly sa mga candidates dito are gorgeous and oozing hot eh. Isa na tayo dun hahaha." naku naman, nagse-self proclaim pa hays.
Mula sa paglalakad napatigil ako at napako ang tingin ko sa taong nandoon sa gilid ng bleachers kasama ang mga kaibigan nito.
What the hell?! He's here?!
I guess mukhang totoo ang sinabi niyang susuportahan niya ako all the way. Baka naman hindi ako ang ipinunta niya dito at iba pala? Nag a-assume na naman ako.
Wag masyadong umasa, baka masaktan ka.
Hindi ko sana siya papansinin at lalagpasan nalang subalit tinawag niya ang pangalan ko.
"Marxha!"
"Oh? Renzever, ikaw pala. Ba't ka nandito?" so stupid of me para magtanong, of course manonood siguro.
"Syempre, papanoorin kita." wika niya sabay kindat sakin.
The nerve of this guy para pakiligin ako! Grabe lang.
"Ha? ako? ba't ako?"
"Syempre classmate kita eh at syempre kaibigan ko din si Erick. Nandito ako para sa inyong dalawa." sinasabi ko na nga ba eh, hindi lang ako ang ipinunta niya dito. Wala kalang sa kanya, ilagay mo yan sa utak mo dun sa pinakailalim na parte pa.
Ayan, assume pa more.
"a-ah ganun ba? Hehe. Sige una nako."
"Goodluck." nakakalusaw naman ang mga ngiti nito.
"T-thanks." wala na talagang pag-asa ito. Nautal na naman. Syempre ikaw ba naman pakitaan ng loopsided smile eh di magningning ang mga mata mo at mawala sa katinuan?
"Okay, ladies and gentlemen, pwesto na kayo at magsisimula na tayo." sabi ng aming choreographer.
Guess what will be happen? Palit kami ng anyo ng mga kalalakihan. Silang mga lalaki ay bilang babae. Kami namang mga babae ay magiging lalaki.
How weird.
Okay na'to sakin. Kesa naman magtakong ako at madapa edi napahiya pa ako.
Awkward naman nito. Hindi ko alam kung nagagawa ko ba ng tama ang lakad ko o ano. Lakas ng dating at may angas daw sabi ng choreo namin eh. Edi ginawa ko naman ang lakad ni Robin Padilla, yung bad boy type niya ba ganun. Ewan ko lang talaga kung okay tingnan sakin. Natawa nalang ako sa naisip.
YOU ARE READING
Coming Back To You
RomanceBeing a selfish bitch can lead you to nowhere. Conceited Full of pride Closed-minded Immature Lahat ng mga negatibong bagay ay pwede nang maiugnay sa pangalan nya. She has her flaws that no one can handle, even herself. There are many person who ca...