Chapter 2: *Got stuck*

24 0 0
                                    

Marxha POV

It's been weeks since that Science camp was over and I still felt the joy inside me. Hindi ako makapaniwala na ako talaga ang nanalo noong gabing iyon. I'm still thankful though dahil nabigyan ako ng chance na sumali sa mga ganung patimpalak.

Todo congratulate naman ang mga classmates ko sa akin pati na rin ang ibang schoolmate na kakilala ko. I'm overwhelmed.

Narito kami ngayon sa aming room dahil magsisimula na ang first subject namin.

Natinag lang ako sa kakaisip dahil sa tinig ni Lovelah na mukhang may tinutukso.

"Uy! anong ginagawa mo ha? ayieee, ikaw cous pasimple ka ha." tukso ni Lovelah kay Renzever.

Ha?! Kay Renzever? bakit?

"Ano ba? wala yun nuh!" depensa naman ni Renzever.

"Anong wala? Patingin nga ng phone mo." pamimilit pa ni Lovelah.

"Wala nga sabi." ani Renzever.

"Naku alam mo Lyn, kinuhanan ka nitong cousin ko ng mga stolen shots, andami nun. HAHAHA."

Ano?! Kinuhanan niya ako ng pictures?!

Inagaw ni Lovelah ang cellphone ni Renzever mula sa pagkakahawak nito at kinalikot iyon.

"Hala ba't wala na dito? Dinelete mo cous? Sayang yun ah, andami pa naman sana." nanghihinayang na wika ni Lovelah.

"Sabi ko naman kasing wala eh." protesta pa ni Renzever.

Nang tinignan ko siya hindi siya makatingin ng deretso sakin. Medyo namumula-mula pa yong gilid ng tenga niya.

"Sus! ayaw mo lang ng tinutukso eh. Pero seriously cous, SAYANG talaga." inemphasize pa talaga ni Lovelah ang sayang na word.

Ako naman hindi ko nalang binigyang pansin. Pero na curious talaga ako. Talaga bang kinuhanan niya ako ng mga stolen shots?

eehh?! ba't niya naman kaya gagawin yun?

The bell rang para sa snacks time namin kaya niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng room.

Nadatnan ko sina Marivic at Shaira na naghihintay na sakin sa labas.

"Let's go Mr. Freshmen." wala talagang kwenta itong si Marivic.

Pagkarating namin sa canteen ay dun kami sa pinakadulo pumwesto. Hindi kasi ako sanay na kumukuha ng mga atensyon eh.

Narinig nalang namin ang impit na tili at bulungan ng mga estudyante sa loob lalong-lalo na ng mga babae.

Ano pa ba ang inaasahan? Narito na ang campus hearthrob.

Napadako ang tingin ko sa pinto ng canteen at papasok na sila. Nagtagpo ang mga mata namin at kahit gusto ko ng bumawi ng tingin ay mukhang magnet ito na hinihila pa rin papunta sa kanya.

Hindi niya binibitawan ang tingin sakin kaya ng bumalik sa isip ko ang narinig kong ginawa niya kanina ay kusa na akong nag iwas.

"What's with that staring competition, huh?" tukso ni Marivic.

"Kung ice cream kalang siguro girl hindi na kami magtataka kung natunaw kana dyan sa kinauupuan mo." sabad naman ni Shaira.

"Ewan ko sa inyo." ang tangi ko nalang nasabi.

Palakas ng palakas ang mga bulungang narinig ko kaya naman napa-angat ako ng tingin.

To my surprise ay biglang nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na nasa harapan ko na siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Coming Back To YouWhere stories live. Discover now