(THE RAPIST)
Sa isang kasuluk-sulukan ng lugar ay may isang munisipalidad na kung tawagin ay "Alaminos".
Ang mga taong nakatira dito ay malayo sa kabihasnan.
Bihira sa bawat pamilya ang magkaroon ng kuryente at mga kung ano pang teknolohiya.
Kapag ang isang pamilya ay nagkaroon ng kahit simpleng telebisyon lang ay pupurihin ka na ng mga tao dahil para sa kanila ay nakakaangat ka sa buhay.
Sa munisipalidad na ito ay may nakatirang isang pamilya malapit sa isang liblib na lugar.
Sila ang pamilyang "Villa".
Simple lang ang pamumuhay na meron sila.
Ang padre de pamilya na si Antonio Villa ay isang mangangaso sa gubat na kung saan ay nanghuhuli sya ng mga hayop.
Ang may bahay naman ay si Lydia Villa.
Sya ay walang trabaho at nag-aalaga lamang sya sa kanilang nag-iisang anak na si Joan Mae Villa.
Kung tutuusin ay halos mahirap pa sila sa daga.
Sa edad ni Joan na 17 ay hindi lingid sa kanyang kaalaman ang pamumuhay na meron sila.
Si Joan ay magandang babae, balingkinitan, mahaba ang buhok, maputi at mabait pero sa kabila ng kanyang pagiging Maria Clara ay nagtatrabaho siya na parang Adan tulad ng pag-iigib ng tubig.
***
August 18,2015
"Nay, maupo ka lang po diyan at ako na ang magsasaing" pinaupo ni Joan ang nanay nya sa upuan at agad na nilinis ang kalderong pagsasaingan nya
"Ano ka ba,anak. Dapat ako ang gumagawa niyan." sabi ni Lydia kay Joan na nauubo
"Ako na po. Tingnan mo nga oh, umuubo pa po kayo" kumuha ng bigas si Joan at inilagay sa kaldero
"Huwag po kayong mag-alala,Nay. Dahil bibilhan ko po kayo ng gamot mamaya" lumingon si Joan sa ina at binigyan ito ng isang matamis na ngiti
"Saan ka naman kukuha ng pera,anak? Walang-wala tayo ngayon" nag-alala si Lydia dahil alam niya na walang pera si Joan
"Huwag po kayong mag-alala,Nay. Nagpalaba po sa akin kanina 'yong kapitbahay natin at binigyan niya ako ng isang daan" hinugasan ni Joan ang kamay niya at lumapit sa inang naka-upo
Dinukot niya ang pera sa bulsa niya at binigay sa ina ang kalahati.
"Nay, eto po ang pera. Itong kalahati po ay ibibili ko ng gamot ninyo" hinawakan ni Joan ang palad ng kanyang ina at inilagay ang kalahati ng pera
BINABASA MO ANG
The Rape Victim
Misteri / ThrillerTHE RAPE VICTIM written by: AlyasKimoy (Mark Anthony Molate Bayona) Ako ay ginahasa. Ako ay pinatay. Ngayon... Babalik ako. Papatayin ko kayo.