THE RAPE VICTIM
WRITTEN BY: AlyasKimoy (MARK ANTHONY BAYONA)
***
A/N: Sorry po kung maraming typo error :)Hi wattpad readers! AlyasKimoy here and thank you for reading my story.
***THE RAPE VICTIM
WRITTEN BY: AlyasKimoy (MARK ANTHONY BAYONA)
***CATEGORY: Mystery/Horror
PG-13 PARENTS STRONGLY CAUTIONED
***CHARACTERS
Joan Mae Villa
Jhon Paul Palorma
Lydia Villa
Evelyn Cabalo
Roberto Casa
Jasper Morgia
Dennis Quines
Antonio Villa
***
Ako ay ginahasa.
Ako ay pinatay.
Ngayon...
Babalik ako.
Papatayin ko kayo.
***
(THE GHOST)
November 8,2015
Maagang nagising si Lydia at agad nyang hinanap ang anak dahil hindi ito umuwi kagabi.
Nag-alala na sya kung ano ang nangyari dito kaya naman ay agad syang naligo, kumain at agad pinuntahan ang eskwelahan kung saan nag-aaral ang kanyang anak.
Nang makapasok na sya sa eskwelahan ay dali-dali itong dumiretso sa classroom ni Joan.
Nakita nyang nagkaklase ang guro.
Tiningnan nya ang mga estudyante at nagbabaka-sakali na naroon si Joan, pero wala.
Napansin siya ng guro kaya lumabas sandali ito para tanungin.
''Misis may problema ba?"
''Ma'am, anak ko po si Joan Mae Villa''
''bakit po?"
''Ma'am, hindi po kasi sya umuwi kahapon...'' hanggang sa umiyak na ito ''...kaya sinubukan kong puntahan dito para malaman kung nandito sya''
''nandito sya kahapon, Misis, pero wala sya dito ngayon''
''Ma'am,tulungan nyo po ako, baka kung ano na ang nangyari sa anak ko''
''sige,Misis...'' niyakap nya si Lydia ''...pasok tayo sa loob'' at pumasok sila sa classroom
''Class! Sya ang ina ni Joan at kahapon pa hindi umuuwi sa kanila si Joan...'' sabi ng guro ''...meron ba kayong alam kung saan ngayon si Joan?" dugtong pa nito
''wala po'' sabi ng mga estudyante
Lalong napa-iyak si Lydia at tila unti-unti na syang nawawalan ng pag-asa na mahanap ang kanyang anak.
''Misis...'' tiningnan sya ng guro ''...pumunta po kayo sa pulisya at i-report nyo po ito. Huwag kayong mawalan ng pag-asa, mahahanap pa si Joan'' sabi ng guro na pinapalakas ang loob ni Lydia
''sige po, Ma'am. Salamat'' lumabas na sya ng classroom
Dumiretso siya sa pulisya at agad sinabi sa pulis na nawawala ang anak nya.

BINABASA MO ANG
The Rape Victim
Mystery / ThrillerTHE RAPE VICTIM written by: AlyasKimoy (Mark Anthony Molate Bayona) Ako ay ginahasa. Ako ay pinatay. Ngayon... Babalik ako. Papatayin ko kayo.