(THE KILLER)
November 5,2015
''Ok,class. Tahimik na'' pumasok na ang professor dahilan para tumahimik na ang klase
Umupo na sila sa mga upuan nila at napansin ng professor na bakante pa rin ang isang upuan.
''Wala pa rin ba si Joan Mae Villa?" tanong ng professor
''I'm here, Sir!" nakangiti si Joan habang nakatayo sa pintuan
Tulala ang mga kaklase nya pati na ang professor nila dahil hindi nila akalain na ang dating Joan na parang Maria Clara ay nag-iba na.
Ang ikli ng short at may lipstick at hikaw pa.
''What happened to you Ms.Villa?" takang-taka ang professor nya
''nothing'' pumasok na si Joan
''hi!" ngumiti sya sa mga kaklase nya at umupo
''Ok, Ms.Villa, Dahil ngayon ka lang pumasok ulit, solve this problem'' tumayo ang professor nila at sinulat ang math problem sa board
''Sorry,Sir! I can't answer that'' sabi ni Joan kahit hindi pa natapos magsulat ang professor nila
Nagulat naman ang mga kaklase nya dahil ang pagkakilala nila kay Joan ay matalino kaya nga ito iskolar.
''but,why?" humarap sa kanya ang professor
''kasi kakarating ko lang tapos ako na ang pinagdiskitahan mo'' sagot nya sa professor na parang walang respeto
Tumahimik na lang ang professor dahil sa pagkabigla at hindi lubos maisip kung bakit nagkakaganito si Joan.
Matapos ang klase ay naunang lumabas si Joan.
Uuwi na sana sya pero nakita nya si Jhon Paul at mga barkada nito na nag-uusap.
Lumapit sya dito at ipinulupot ang kamay nya sa braso ni Jhon Paul na agad naman nitong ikinabigla.
''Hi,Jhon Paul. Hi,boys'' bati nya sa mga lalaki
Nabigla si Jhon Paul sa ipinagbago ni Joan pero mas nagustuhan nya naman ito dahil may pag-asa na syang magalaw si Joan.
"hi,Joan'' sinakyan nya rin ang kagustuhan ni Joan
''hello. Sige uwi na 'ko'' mapang-akit nitong sambit habang ang kamay nya ay naglalakbay sa katawan ni Jhon Paul
''hatid ka na namin'' sabi ni Jhon Paul na sinang-ayunan naman nina Dennis at Jasper
''no need...'' lumakad na sya pero huminto at humarap kay Jhon Paul ''...the day after tomorrow is my birthday. I have a gift for you'' sabi nito sabay kagat sa labi nya at umalis
''WOH!!" tawanan silang tatlo at mukhang alam na ni Jhon Paul kung ano ang ire-regalo sa kanya ni Joan
Mabilis tumakbo ang mga araw at dumating na ang kaarawan ni Joan.
Binati sya ng kanyang ina na si Lydia at hinalikan sya sa pisngi pero wala syang reaksyon.
Pumasok si Joan at walang bumati sa kanya sa mga kaklase nya dahil hindi naman nila alam na kaarawan nya.

BINABASA MO ANG
The Rape Victim
Mystery / ThrillerTHE RAPE VICTIM written by: AlyasKimoy (Mark Anthony Molate Bayona) Ako ay ginahasa. Ako ay pinatay. Ngayon... Babalik ako. Papatayin ko kayo.