A Christmas Gift - IV

51 3 4
                                    

Habang papunta kami sa maliit na cafe na malapit dito sa park, kumapit ako sa kaliwang braso ni Lawrence. Hindi kami nagkausap ng buong week kaya sobrang namiss ko siya.

Kontento na akong nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya.

Nung nasa entrance na kami ng cafe ay pinagbuksan niya ako ng pinto, napangiti naman ako sa ginawa niya.

Napatawa naman siya ng tumama sa mukha niya 'yung bangs ko dahil sa lakas ng hangin sa labas. Napasinghap ako at inayos ko agad ang buhok ko na nagulo.

"Dont worry, babe." bulong niya at hinawakan niya saglit ang kanang pisngi ko ng isa niyang kamay. Lumapit na kami sa cashier para umorder. "Your hair is beautiful no matter what." aniya.

Feeling ko namula ang mukha ko sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at hinapit niya ako sa bewang ko.

Maya-maya ay ngumiti siya at hinawakan niya ang kamay ko habang umoorder siya ng hot chocolates naming dalawa.

Matapos niyang bayaran ang inorder niya ay naghanap na kami ng bakanteng table. Hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko hanggang sa makaupo na kami.

Tiningnan lang niya ako at ngumiti lang ako sa kanya.

"You're so pretty." nakangiting sabi niya.

Masaya akong napabuntong-hininga at kinurot ko siya sa pisngi na nagpatawa naman sa kanya. "I missed you so much, you know." sabi ko kay Lawrence.

"I know you did. You have no clue how much I missed you too." he replied and pushing a longer strands of my hair behind my ear.

"So... What's so amazing about my Christmas present that you needed a whole week to complete it?" I asked excitedly.

"If I tell you, it won't be a surprise anymore!" he chuckled. "How much fun would that be?" he asked to me.

Nagpout ako sa kanya at nagpuppy eyes. "Pretty please?" pangungulit ko.

Umiling lang siya. "Hindi pwede." tanggi niya.

"Pretty, pretty please?" pangungulit ko pa rin at saka ako tumalungko sa kanya para halikan siya. "Please?" pakiusap ko ng di pa rin siya pumayag.

"No, babe. Basta hintayin mo na lang hanggang sa makauwi na tayo, okay? So no more pouting, it doesn't suit you as well as you think. You're much cuter when you smile." he whispered and kissed me.

"I love you, Lawrence." sabi ko sa kanya ng matapos ang halik namin sa isa't isa.

"I love you too, Nadine." nakangiting sabi niya.

"Here's your hot chocolate!" masigla at nakangiting sabi nung babaeng waiter. Inilapag na niya sa table 'yung inorder namin at saka umalis na.

"Let's head on home?" tanong niya at hinawakan niya ako sa kaliwang kamay ko at kinuha na niya ang hot chocolate namin.

Tumango lang ako at excited na kaming lumabas ng cafe at umuwi.

A Christmas GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon