Destiny vs. Choice: LOVE HAS ITS REASONS

23 0 0
                                    

Arzel Skedley: Hey
Tara bike bukas

Me: Cge cge...
Saan dre?

Joezeph Calvin: Sama :)

Arzel Skedley: Bacsil
4 am tayo magkita-kita

Me: Magkita-kita saan?
Tayo lang 3?

Arzel Skedley: D ko pa alam kung saan
Oo. Baka tayong 3 lang

Joezeph Calvin: Dun na lang sa Bacsil ah
Sa pinakababa
Sabay-sabay na lang tayo paakyat

Arzel Skedley: Ok lang sakin
Ikaw, Arch?

Me: Done.
Basta sa Bacsil, 4 am

Joezeph Calvin: Ok. See ya guys.

-zZzZzZzZzZz-

*Wake me up!
Wake me up inside!*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko... and yes. Yan talaga ang sound niya. I glanced at the time-3:20. Napipikit na bumangon ako ng kama at dumire-diretso sa banyo. I did my morning rituals and changed to my biker outfit-3:45. May 5 minutes pa ako para kumain. I finished eating at exactly 3:50 AM at agad na akong lumabas ng bahay. Bahala na si Mama na maghugas ng pinagkainan ko paggising niya. Nagpaalam naman ako eh.

"Arch!" Malayo pa lang ay nakita ko na si Arzel. Nasa likuran niya yung bike niya at tumatalon-talon pa siya habang kumakaway. "Papunta na daw si Joezeph." Bungad niya sa'kin pagtigil ng bike ko sa tabi niya.

After siguro mga 5 minutes, dumating na si Joezeph sakay ng kotse. Pagkalabas niya ng kotse ay agad niyang ibinaba yung bike niya na nasa likod ng sasakyan. Umalis na rin yung kotse after nun.

"Oh, tara na!" Tsk. Tingnan mo nga naman oh. Siya pa 'tong may ganang magmadali eh siya na nga 'tong na-late.

Sabay-sabay na kaming sumakay ng sari-sarili naming bike at nagsimula nang umakyat. Nung una, mabagal pa yung pagpe-pedal namin. Pero after siguro ng mga 10 minutes, medyo bumilis na yung pace namin para makakuha kami ng sapat na force para makaakyat.

"Tsk. Kitakits na lang sa taas! Ba-bye!" Nakangising sigaw ni Arzel habang pinapaharurot yung bike niya. "Bagalan mo lang, Arch. Para sabay kayo." I heard him whisper as he passed by me.

Agad akong lumingon sa likod at napansin kong masyadong mabagal si Joezeph compared sa'min ni Arzel. FYI lang po, babae ako and yes, crush ko si Joezeph. Agad naman akong nagpreno na nag-cause para mapatingin sa'kin si Joezeph.

"Ba't ka nag-stop?" He asked habang tuloy pa rin sa pagpedal. "Nasa'n na si Arzel?"

"Nauna na sa taas si Arzel." I replied while staring at him. "Hinihintay lang kita kasi baka madisgrasya ka at mapagalitan pa kaming dalawa."

"Madisgrasya?" Naka-kunot ang noong tanong niya. "Hah! Asa... at dahil babagal-bagal ka... HABULIN MO 'KO!" Tumatawang sigaw niya habang unti-unting binibilisan ang pagpedal.

"Ganyan naman talaga eh." Naibulong ko na lang nung medyo malayo na siya sa'kin. "Ako na lang ang laging naghahabol sa'yo..."

'Di ko na napigilan ang luhang tumulo mula sa mata ko. Alam ko namang hindi niya makikita ang pagse-senti ko kasi malayo na siya. Hindi ko 'to kakayanin mag-isa... I need someone to lean on.

I sent a text message to a friend of mine. Alam kong medyo maaga pa para magising siya... pero hindi naman siguro masamang mag-text. Halos kase-send ko pa lang ay tumawag na sa'kin si Maxwell. Of course, kailangan ko ng kausap kaya agad ko namang sinagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESTINY vs CHOICE (Collection of Oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon