Malamig na naman ang simoy ng hangin. Tumingala ako sa langit at mukhang nagbabadyang pumatak ang mga ulan ngayon. Alas quatro na ng hapon, hindi pa rin ako nakakasakay ng jeep.
"Mukhang aabutan ako ng ulan dito sa waiting shed ah" bulong ko na lang sa sarili ko habang kinukuha ko ang payong ko sa bag ko. Haysss napakamalas naman, kung kelan ako naka puti tsaka uulan ng ganto.
"Nursing student?" agad kong nilingon yung babaeng nagsalita. Mukhang istudyante rin ang isang to at hindi nagkakalayo ang edad namin.
"Oo, ikaw ba?" tanong ko sa kanya at sumagot naman agad sya.
"Med student haha di lang halata" tugon nya
"Wow buti ka pa nagdiretso ka na agad sa med. Ako kasi nag pre med muna bago mag med"
"Sabi kasi nina mama na mag med na daw agad ako. Sayang daw oras kapag nag pre med pa ako. By the way, san ka pumapasok?" Buti pa sya nag med agad. Di kasi kaya nina mama yon pag nagmed agad ako.
"Sa UST ako pinapasok ni mama pero sa UP Manila talaga ang gusto ko"
"Sa FEU naman ako. Arabella" sabay abot ng kamay nya para mag shake hands
"Venhya" sambit ko at nag shake hands kami. Sakto din naman ang tigil ng jeep sa tapat namin.
Buti na lang at hindi rush hour ngayon at hindi tumuloy ang ulan sa pagbuhos. Nakapagkwentuhan pa kami ni Arabella habang nasa biyahe.
Galing pala sya sa UST para kitain ang boyfriend nya na si Jhayx pero di sya sumipot.
Niyaya ko sya kumain sa KFC tutal magkalapit lang din naman kami ng dorm. Parehas kaming taga Espana Blvd, sya taga Miguelin St. ako taga Antipolo St. lang
Nang malapit na kami sa KFC, napansin namin na ang daming tao sa may tabi ng highway. Nandon pala ang Wish 107.5 Bus
[Arabella] "Nhya kilala mo sila? Mukhang sila yung sumisikat na boy group ngayon oh"
[Venhya] "Yun ba yung SB19? Di ko sila masyadong kilala eh at wala akong time sa pagfafangirl"
[Arabella] "Mukha namang may potential silang sumikat, ang dami nga nilang supporters eh. Ang ganda pati ng songs nila"
[Ale na nakasakay sa jeep] "Tingnan mo anak, yung idol mo oh nandun sa bus kumakanta. Diba ang bias mo sa kanila ay si Cullen?"
[Anak nung ale] "Oo nga mama! Ang gwapo pala talaga nila sa personal kahit malayo!!"
Bumaba na lang kami ni Arabella pagkatapos marinig yung usapan nung mag-ina. Tutal nandito na rin naman kami sa KFC.
Pumila na ako sa Customer's lane at tumitingin tingin kung anong oorderin ko.
Samantalang si Arabella naman ang maghahanap ng pupwestuhan namin.
[Customer 1] "Uy tingnan mo to oh, viral nanaman ang SB19"
[Customer 2] "Ang SB19 nasa feed ko!!! OMG nakakaproud naman sila"
Hayy ano bang meron sa kanila at sikat na sikat na sila ngayon. Eh ano naman kung talented sila? Walang akong time sa pagfafangirl no!
Hindi ko namalayan na ako na pala ang nasa harap ng counter
"Miss isa nga pong chicken chops with large iced tea at isang 1pc chicken and soup combo"
Biglang natuwa si ate sa sinabi ko at di ko alam kung bakit. May nakakatawa ba sa inorder ko?
"Nako ma'am, saktong sakto yung inorder mo na chicken chops! May libre kaming ticket for a chance na mameet and greet nyo ang SB19!!!"
"ANO!?" Bigla kong napasigaw kasi di ko alam gagawin ko kung maniniwala ba ako o hindi.
"Yes ma'am! Ngayon na yan mismo! Kaya mapalad kayo dahil last ticket na namin yan ngayon. At saktong sakto rin na ang Wish 107.5 bus ay nandito lang malapit sa KFC!"
Patuloy ni ate habang ako ay di makapaniwala sa nangyayari.
"Pagkatapos nyo pong kumain ay tatawagin na namin lahat ng may ticket. Kasi maya maya po ay nandito na sila!" sabi ni ate na kumuha ng order ko
Tumango na lang ako at nagbayad. Binigyan nya na lang din ako ng number para dadalhin na lang sa table namin yung inorder namin.
Kinuwento ko lahat kay Arabella kung ano ang nangyari kanina sa may counter. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nangyari.
[Arabella] "Mukhang swerte pagkikita natin ngayon, Nhya"
[Nhya] "Swerte ba yon?"
[Arabella] "Oo swerte yon. Biruin mo hindi na tumuloy ang ulan tapos may chance ka pa para mameet ang SB19. Biruin mo, ang daming gustong makita sila tapos ikaw di pa sinasadya"
Tumawa na lang kami at nagkwentuhan na lang.
Di ko talaga alam kung bakit biglang nangyari ito. Di ko inexpect na may ganito palang mangyayari.
Sabi nga ng iba "Expect the Unexpected!"
Sino ba kasi yung mga SB19 na yan? Dapat ko ba silang makilala?
Ang dami na nga ng problema ko, dadagdag pa to. Hayyy buhayyy!!!
"So bakit nga ba hindi sumipot boyfriend mo?" tanong ko kay Arabella habang wala pa ang order namin.
Biglang tumingin si Arabella sakin. Mukhang nalungkot sya bigla.
"Alam mo, isang buwan na rin kasi kaming hindi ok. Hinihintay ko sya lagi kasi sa UST sya pumapasok. Hindi sya laging sumisipot eh" malungkot na sagot niya sakin.
Parang nakakahawa lungkot nya. Nalulungkot ako para sa kanya eh
"Ituloy mo lang makikinig ako" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.
"Nangyari ito nung August pa, kung kelan nagstart ang klase. First time naming magkahiwalay ng school ng pinapasukan. Senior High pa lang kasi kami na...."
"Hindi ko na sya masyadong nauupdate dahil nga med ang course ko. Lagi akong full schedule at sa tuwing mag aaya sya na mag date kami, lagi akong tumatanggi"
"Ano bang course ng boyfriend mo? Baka familiar sya sakin" Tanong ko sa kanya habang nagkukwento sya
"Architecture sya. Sanchez surname nya. Varsity sya sa UST" Sambit nya sakin
Nagulat ako nang marinig ang epilyedo na 'Sanchez'
Si Sanchez? Ang boyfriend nya? Eh napakadaming babae nung sa USTe ah
Ayoko naman sabihin sa kanya na napakababaero ng boyfriend nya. At ayoko lalong sabihin na yung kablock mate ko ngayon ang hinaharot nya.
"May problema ba sa surname ng boyfriend ko?" bigla nyang tanong sakin. Nahalata nya ata pagkagulat ko
"Wala naman. Sige ituloy mo na yung kwento mo"
Habang nagkukwento sya ay may lumapit na babae sa amin. Yung Cashier pala kanina.
[Cashier] "Ma'am excuse me po, pasensya po sa panggugulo sainyo, pwede po ba kayong maiexcuse sandali? Nanjan na po ang SB19"
[Arabella] "Nhya go na! Luck mo na yan! Napaka swerte mo talaga ngayon araw!"
Biglang nagbago ang mood ni Arabella at ako naman ay nabigla. Hindi pa nga dumadating order namin, tatawagin agad ako.
Di ko na talaga alam kung anong mangyayari hays juicecolored!!!!
YOU ARE READING
Dear September,
Fanfiction"Wake me up when September ends...." sambit ng Green Day pero mukhang nakulong na ako sa buwan na ito. September 2020, dito nagsimula ang lahat. Nakilala ko kayo. Nakilala kita. Di hamak na ako isang istudyante lamang at ikaw ay isang sikat na manan...