Chapter 12

9 2 2
                                    

[Ken’s POV]

“Ok na ba ang lahat? Ready na ba kayo for tonights gig?” Tanong samin ng teacher namin habang ako ay naka upo parin habang tinititigan ang phone ko

“Nek Nosus! Kanina ka pa naka ngiti jan. Sino ba yan ah?”

Nandito na naman ang hari ng maisan! Si Jah

[Ken] “Huwag ka ngang maingay jan, baka mamaya marinig tayo ni Teacher.”

And yes, I am looking at her photo. Coz why not?

Bawal pa samin magka relationship hangga’t hindi pa tapos ang kontrata namin. Bawal kasi nakakaistorbo sa career.

Pero eto ako, matigas ang ulo. Di ko mapigilan eh. Ang bilis ko kasi maattract, lalo na kapag simple lang

[Jah] “So, yung nurse nga?”

Di ko siya pinansin at patuloy paring tinititigan ang picture namin na nag-viral.

I didn’t expect na ganito magiging tama sa akin nung babaeng yun.

Kung hindi lang siguro sa game na yun, di ko siya makikilala.

Sobrang layo nya sa ideal girl ko pero damn it, binasag niya standards ko.

At wala na akong magawa kundi ang isipin siya lagi simula nung nakita ko siya.

Nagulat ako ng biglang kuhanin sa akin ni Jah yung phone ko.

Shit! Tumakbo pa nga!

I was about to chase him pero naagaw ni Pablo yung phone ko kay Jah. Damn it, lagot ako nito.

Ate Chona Mode On

Tiningnan ni Pablo at tumingin siya ng patalim sa akin.

Ken Suson be ready for this!

Lumapit siya at kinausap niya ako

[Pablo] “You’re into her pala ah. Since when?”

Di ako maka imik kasi kaming lima lang yung nandito sa studio, lumabas yung teacher namin at tumahimik din dito sa loob.

[Pablo] “Nameet mo na ba siya before, Ken? Before pa tayo magka event sa KFC? O dahil sa event natin to sa KFC?”

Tumingin na sila sa akin lahat at hinihintay yung sagot ko.

[Ken] “Ng d-dahil sa e-event”

[Josh] “Diba ito si Nhya? Viral nanaman siya sa Social Media dahil siya ang star of the night. At nandun siya sa pupuntahan natin ngayon”

Putol ni Josh sa katahimikan at ipinakita sa amin yung picture ni Nhya.

Damn… Ang hot niya sa suot niya!

Bigla ring pumasok yung teacher naming at sinabing aalis na kami.

Kinakabahan ako at the same time, nahihiya. Bakit ganito ang epekto sa akin ng babaeng yun? Samantalang ang kapal ng mukha ko mag email at magpadala ng flowers at chocolates.

[Pablo] “Umayos ka mamaya dun ah”

Sambit sa akin ni Pablo at binigay na niya sa akin yung phone ko.

Kinuha na rin namin yung mga gamit namin at lumabas na sa studio.

__
Nakarating na kami sa BGC at dito pala kami sa Xylo magpeperform. Sakto rin na malapit na mag 8.

Sa back door kami pinadaan nung manager at inassist kami ng bouncer nila para walang makakita sa amin.

Kaka madali ay nabitawan ko yung mic ko at gumulong papunta sa comfort room. Shit! Lumiko ito papuntang Ladies Room! Paano na ito.

Dear September,Where stories live. Discover now