Chapter 10

510 17 2
                                    

UMIIYAK akong pumapalakpak sa nagaganap na kasalan nila mama at tito.

Umiiyak ako sa Saya. finally, kinasal na ang Mama ko sa taong mahal nito. Nakikita ko sa mga mata nilang dalawa ni tito ang Saya.pero  Sa kanilang banda ay parang may sakit akong nararamdaman Para Kay Josh. Saglit ko lang itong nakita kanina,palingon-lingon ako sa loob ng simbahan, Pero hindi ko siya nahagilap.

I know, he's in pain right now. Kagabi ay hindi ko man lang siya nakausap. Mailap siya sa akin simula lumipat kami sa bahay nila. Palagi itong wala sa bahay, o di Kaya sobrang late na itong dumadating sa bahay.

Duda na tuloy ako sa mga inaakto niya lately, parang ayaw niya ang presensya ko sa bahay nila. Wala naman akong magagawa dahil iyon ang kagustohan ni tito.

Pag katapos ng kasal ay agad kaming tumungo sa reception.sa Dami ng bisita ay hindi ko parin makita ang step-brother ko. Nag aalala ako sa kanya, Para bang nahihirapan din ako Kung nasasaktan siya. Napahawak naman ako sa may dibdib ko sa naisip ko. Ano ba naman itong naiisip ko. Dapat Masaya ako ngayon dahil Masaya na ang Mama ko. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Sa pagkalito ko ay uminom nalang ako ng alak, Masaya ang mga bisitang nagtatawanan sa loob.

Lumabas kasi ako Para Makapag Muni-muni sa nangyayari, gusto Kong tanongin ang puso ko Kung bakit ganito ako naaapektuhan sa kasalang naganap.

Madami na yata akong nainom dahil napapakanta na ako, hindi ko na Alam ang nangyayari sa loob ng kasiyahan dahil sa kalasingan ko.

Napatameme ako sa kawalan ng may marinig akong nagsalita sa likuran ko, Sana guni-guni ko lang ang lahat ng nangyayari. Hindi ko nilingon ang taong nagsalita, baka bigla nalang itong maglaho. I was dreaming last night about my stepbrother.Masaya daw kaming Magkasama, but not as a sibling,Kundi magkasintahan. pagka gising ko nga kaninang Umaga ay na uhaw ako dahil sa panaginip ko.

Hindi ako makapaniwala sa panaginip ko, bakit naman gano'n ang nasa panaginip ko.

"Stop dreaming my dear step-sister. Tama na 'yang pag iinom mo, you should enjoy this very especial day of our parents", tumabi ito sa akin, Kaya napalingon naman ako sa kanya.

Sa kalasingan ko ay hindi ko alam Kong bakit napatingin ako sa mapupula nitong  mga labi, napailing ako dahil sa inaakto ko. Aalis na Sana ako Para maiwasan siya pero natumba lang ako. May sumalo sa akin bago ako matuluyang matumba sa sahig.

"bakit ba kasi naglalasing ka sa Matagong lugar tsk! , please don't be stubborn my stepsis. Hindi ko alam Kung hanggang kailan kita kayang  Iwasan Para mawala ka sa systema ko. Hindi ko alam Kung bakit ganito ang nararamdaman ko pag nasa paligid kita. From now on, I will make sure to get rid you of my system. Let's stay like this, as brother and sister."hindi ko alam Kong panaginip ko ba o totoong sinabi iyon ng taong bumuhat sa akin. Hindi ko na talaga nakayanan at alam ang sumunod nangyari dahil sa kalasingan ko.

  TO BE CONTINUED....

My Stepbrother is a jerk. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon