Chapter 31

358 18 1
                                    

Nasa harapan ako ngayon ng bahay nila Josh. Kanina pa ako dito pero hindi ko magawang pindotin ang doorbell nila.

Kaya mo Yan Rai.

Pampalakas loob Kong Sabi sa sarili ko, hindi ko kasi alam kung paano ko sila haharapin lalo na si mama.

I sighed before pressing the doorbell. Agad namang may nagbukas sa gate nila.

Isang may katandaang babae ang nagbukas nito.

"Ano po 'yon ma'am?".

"ah, pwede bang Maka usap si---", hindi ko naituloy ang tatanongin ko dahil sa hindi matigil na pag tunog ng cp ko.

"hello!, ano? Sino??, OK just wait, pupunta na ako diyan." Sabi ko sa secretary ko, may Tao daw na gustong Kuma usap sa akin. Ayaw daw nitong sabihin ang pangalan nito.

"Manang, balik nalang po ako sa susunod. Pakisabi Kay mama pupuntahan ko siya bukas", napansin ko ang pangunot noo ng matanda bago ko nilisan ang lugar. Pinaharurot ko ang kotse ko patungong kompanya.

I was in the lobby nang makita ko ang secretary Kong mabilis na tumatakbong palapit sa akin. Ano na naman  ba ang pinanggagawa ng taong ito.

Nang makarating na siya sa kinaroroonan ko ay pagod na pagod ito.

"Ma'am nasa office na po ninyo ang bisita, pinapasok ko na siya kasi Sabi naman niya. Kapatid mo daw siya." No Way! Baka si Josh ang tinutukoy niya.

Mabilis akong tumakbo  papuntang elevator Para makarating agad ako sa opisina ko.

Anong ginagawa nito dito at paano niya nalaman na nasa Pilipinas na ako?.

'Yan ang mga katanungan ko habang nasa loob ng elevator.

Nang bumukas ang elevetor ay agad akong pumasok  sa opisina ko. Sobra akong kinakabahan, si Josh nga ang taong nasa sofa. Nakaupo itong umiinom ng juice.

Nang mapansin nito ang presensya ko ay napalingon siya sa akin.

"OH! Long time no see my dear STEPSISTER."parang galit na Sabi nito. Siya pa talaga ang may ganang magalit sa akin ngayon tsk!.

" OH, anong maipaglilingkod ko sa iyo, my dear STEPBROTHER!", ginaya ko Kung paano niya sinabi sa akin stepSister kanina.

" I want my car by next week. Sana hindi nyo nalang Ipinost ang isang iyon Kung wala na Pala sa stock ninyo."So, siya Pala ang nagrereklamo  kahapon.hindi naman kasi nagsalita nung ako ang sumagot sa tawag.

" OK! titignan ko Kung anong magagawa ko sa concern mo Mr. Cullen. Tatawagan kayo ng secretary ko hanggang next week. You may leave now. "Sabi ko saka umupo sa harapan ng laptop ko.

Hindi agad umalis si Josh at pagka tingin ko sa kanya ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

"dika pa ba aalis? I am a busy person Josh. So, please leave my office now.and by the way pakisabi Kay mama bibisitahin ko siya bukas o mamayang hapon."nanatili lang itong nakatitig at galit ang ababasa ko sa mukha nito. Ano na naman ba ang nagawa Kong kasalanan sa kanya.

" OH! You really don't know what happened? O nag mamaangan ka lang Rai?. Putang Ina!! Ngayon ganyan ka makapagsalita na Para bang hindi ka nawala sa poder namin ng ilang taon. Are you insane!! Meet me on lunchbreak  sa isang restaurant. may ipapakita ako sa iyo. Since you don't have any idea for what happened 5 years ago."nalilito naman ako sa sinasabi niya, hindi na ako pumalag sa gusto nitong mangyari kasi naguguluhan talaga ako sa inaakto nito.

Bago ito lumabas sa opisina ko ay may pahabol pa siya."Bumili ka ng lilies later, Favorite ni tita iyon."Naka alis  na ito pero hindi ko parin mawari ang gustong mangyari  ni Josh. Napailing nalang ako saka pinagpatuloy gawin ang trabaho ko.

Lunchbreak na namin kaya, nag ayos ako ng sarili ko bago ko Puntahan ang sinabi kanina ni Josh na restaurant.

Nang makarating ako at pumasok ay napansin ko si Josh na kumakaway.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon, after 5 years na pangungulila ko sa kanya. Finally, makakasama ko na ulit siya kahit sa ganitong Paraan nalang.

Umupo ako sa harapan niya at titig na titig naman siya sa akin. Hindi ko tuloy magawang titigan siya ng matagal.

"I already ordered foods,Alam ko naman ang gusto at ayaw mong pagkain Kaya Ginawa ko na", Nginitian ko naman siya ng hindi nagsalita.

Lihim naman akong nasiyahan sa sinabi nito, kahit may asawa na pala siya ay hindi parin niya ako nakakalimutan. Maybe because I'm her stepsister.

Dumating ang napakaraming  putahe sa harapan namin, feeling ko talaga parang papatayin ako ni Josh sa busog.

The foods in front of me are my favorites. Agad akong kumuha Isa-Isa sa mga nakaahin na pagkain sa harapan ko. Miss ko na talaga ang mga ganitong pagkain.

Napahinto naman ako ng bigla Kong naalala si Joshua. Favorito niya din ang mga ito.

"Are you OK Rai?", Malungkot akong napangiti sa kanya. Kung alam lang niya Kung sino ang nasa isipan ko ngayon.

I'm sorry Josh pero hindi ko pa nasabi sa iyo sa ngayon ang tungkol sa anak natin.




My Stepbrother is a jerk. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon