SASHA
Isang linggo na ang lumipas mula nong nagtagpo ang landas namin sa restaurant.
Haist...nakakastress. Kung kelan nakapag move on saka nya binubulabog ang mundo ko!
Putcha bakit ganon na lang ang epekto sa akin ng lalaking yun. Boses pa lang nya nayayanig na ang sistema ko. Lalo na yung niyakap nya ako.
Panay tawag at text nya sa akin pero di ko pinapansin. Kasi ayoko na, baka mamaya bigla na lang maisipan ng gagong yun na isama ang mukhang hito na syota nya. Baka di ko pa mapigilan ang sarili.
Lumingon muna ako sa paligid ko, hmm di gaanu madami. Humiga ako sa damuhan total 6am pa naman. Kakatapos ko lang mag jogging.
Ipinikit ko ang mga mata ko,, hay ang sarap ng pakiramdam. Ang lamig ng hangin, tahimik ang paligid. Ganito ba talaga pag nasaktan, parang ang bigat sa dibdib.
Paano ba makalimut? sana me gamot sa limot para makabili ako kahit magkano pa yan. Pwde pala yun nagmahal ka ng tao na hindi mo pa nakikita. Kung me ranko daw ang tanga sabi nila malamang Heneral na ko. Grabe...
Hindi ka dapat nag iisa dito at prenteng nakahiga jan
Sh*t pansit!!! nagulat ako sa nagsalita. Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang nag salita.
My ghad ganito ba ang ka baliw sa lalaking yun at pati mukha ni kuyang di ko kilala, sya pa rin ang nakikita ko.
Kuya pasensya na po, saglit lang po me iniisip pa po kasi ako sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko.
Grabe malala na to, kelangan kong dodblehin ang pag momove on ko. Basta basta ko na lang sya nakikita.
Fvck Cheyenne, bumangon ka nga jan! sigaw nong lalaki
Wait...... ano daw!? Tinawag nya akong Cheyenne. Isang tao lang tumatawag sa akin ng ganon.
Tiningnan ko ng maigi ang lalaking nakatayo sa ulunan ko. Unti unting lumilinaw ang itsura nito.
Napabalikwas ako ng bangon ng makilala kung sinu ang taong ito.
Sh*t!! magdahan dahan ka naman sigaw nito
Sinu ba kasi ang nagsabi sayo na pumunta ka rito! ganting sigaw ko sa kanya. Tama sasha ganyan nga wag kang magpaapekto sa kanya.
Putcha! Kung umulan siguro ng kagwapohan maaga itong nagising at nasalo nya lahat. Kahit pawisan parang ang bango bango pa rin.
Tsk tsk tsk wui !! pumitik sya sa harap ko.
Ano ba! inis kong inalis ang kamay nya.
Bat ang sungit mo ngayon. Pati email at text ko di mo sinasagot.
Busy ako sungit sagot. Tinatakpan ko ng kasungitan ang nararamdaman ko
Why? diba nasabi ko na rin sayo dati na magbabakasyon ako dito sabi nito.
wala akong pake, enjoyin mo ang bakasyon mo kasama ang syota mong hito bulong ko
What? me sinasabi ka tanong nya na naka kunot ang noo.
Wala. Sige alis na ko madami pa akong gagawin sabay talikod sa kanya.
Hey!! sabay hila sa braso ko
Hindi mo ba ako sasamahan nagsabi ka na sa akin db?
Noon yun, mahinang sabi ko.
Huh?
Wala, wrong timing kasi ang bakasyon mo madami akong gagawin ngayon palusot ko
Are you sure?
Yah, yun lang at tumalikod na ko
I miss you baby
Sh*t ayan na naman. Pinigilan ko tumulo ang namumuong luha ko.
Humarap ako sa kanya at binigyan ng malungkot na ngiti. At naglakad na palayo sa kanya ayoko ng magsalita baka iba ang masabi ko.
Masyadong pa fall talaga diba? Huminga ako ng malalim ang sikip sa dibdib. Biglang tumulo ang luha ko, grabe yun lang sinabi nya naiiyak na ko.
Binilisan ko ang lakad ko naguguluhan talaga ako pag sya kaharap ko, binilisan ko pa hanggang sa naging takbo na.
Gusto ko tumakbo palayo sa kanya pero bakit lagi nya akong nahahabol, nakikita.
Pag dating ko tiningnan ko ang phone ko. Nagtext sya gusto nya magkita kami.
Meet me at Amores Resto. I have something to tell you. Just this one please.
ANTOK NA KO TAGAL PA NG KAPALITAN KO KAYA NAG UPDATE NA LANG AKO PARA MAWALA ANG ANTOK KO...

BINABASA MO ANG
The Second Choice
General FictionLoveless. Yan ang salita na lagi kong naririnig pa tungkol sa akin. Totoo naman yun pero hindi naman ibig sabihin na loveless talaga ako. It just happen na Im in love with someone else. Hindi naman na friendzoned ako, paasa nga eh. At paano bigla s...