CHAPTER 1

20 0 0
                                    

SASHA

Pabagsak na inihiga ang katawan ko sa kama. Kadarating ko lang kasi galing bakasyon.

Makakatulog na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Shete!!! sinu namang hinayupak na ito ayoko sanang sagutin yun. Pero ayaw talaga ako tantanan. Haist..

Tiningnan ko sino ang caller...

Naningkit ang mata ko ng malaman ko kung sinu tumatawag.

Bwect! Unknown Number pinatay ko ang phone para di na ako matawagan. Hindi ko ugaling sumagot sa tawag na hindi naka save sa phone ko.

Bumalik ako sa pagkakahiga para makatulog. Pagod na pagod na talaga ako.

Naalimpungatan ako ako dahil kumukulo ang tyan ko. Haist Tiningnan ko ang relo ko. Shete! Alas 2:42 pa lang ng madaling araw.

Nakatulog ako ng hindi nakapagpalit ng damit. Tinatamad akong bumagon gusto ko pa sana matulog kaso mas malakas talaga ang hatak ng gutom sa akin.

Magsasandwich nga lang ako. Nagluto ako ng itlog taz ham. Kahit kumakain na ko para pa rin akong tulog. Grabe ganon ba talaga ako kapagod.

Pagkatapos kung kumain bumalik uli ako sa kwarto ko. Bago ako humiga ay binuksan ko muna ang phone ko. Siguro naman hindi na tatawag ang bwct na number na yun.

Pagkabukas ng phone ko me isang text ako natanggap. Binuksan ko yun para tingnan kung sinu ang nagtext.

Open your mail.

Yan lang ang nakalagay sinu kaya ito. Binuksan ko ang email ko para malaman kung anong meron.

Pagtingin ko me 3 bagong email.

Hello.. how are you?

Hey, still remember me?

at ang last

Hi, Im coming there soon. See yah

Nahulog ang phone ko sa last na message. Shete!! ano ba bakit ngayon pa. Kilala ko kung sinu ang nagpadala ng mail. Paanong hindi eh saulado ko ang email add nya kahit matagal ko ng di binubuksan yun.

Kung kelan nasa stage 2 na ko ng pag mmove on. Kung kelan di ko na sya naiisip, Kung kelan unti unti ko na sya inaalis sa sistema ko. Saka sya uli manggugulo.

Tuluyan ng nagising ang diwa ko dahil sa message na yun. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka di ko mapigilan ito at biglang makalimutan ang 1 taong trying hard na pag momove on ko.

Isang oras ng lumipas mula ng mabasa ang mensahi na yun. Pero heto ako, dilat na dilat pa rin ang diwa.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko me isang bahagi na masaya. Me isang bahagi naman na malungkot.

Masaya dahil atleast naalala nya ako. Kahit alam ko hindi ako ang ipinunta nya rito.

Malungkot dahil isa lang ako sa mga option nya. Kumbaga salingpusa lang ako.

Kasalanan ko rin naman kasi kahit alam kung me iba sya. Itinuloy ko pa rin ang kahibangan ko. Kasi naisip ko malay mo mahulog din sya gaya ng pagkahulog ko sa kanya

Na malay ko marealize nya isang araw na ako na ang gusto nya. Malay ko isang araw ako na ang mahal nya. Pero ang lahat nang yun walang nangyari.

Shyt naman oh!! bakit nagparamdam ka pa!! para akong tangang salita ng salita dito.

Ang tanga ko kasi! alam nang playboy na inlove pa ko! Alam nang me iba sige pa rin ako!!! Leche!! dahil kasi kamalayan na yan heto ako di makaakyat sa pagkakahulog sa iyo bwct ka!!!

Ayoko na, tama na. Hindi na ko magpapakatanga!!!

Napatingin ako sa relo ko mag aalas 5 na ng umaga napagdesisyunan kung mag jogging pagkatapos diritso na ko sa gym di rin ako makakatulog nito.

Dun ko ibubuhos ang inis ko,, bWct mamaya ka sa kin!!!


Hello po sana magustuhan nyo ang isa na namang kwento ko. Tatry ko lagyan ng matinding emosyon ito. Yung tipong iiyak kayo ng popcorn wahehehe juwk lang po. Enjoy po!!!!

The Second ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon