Chapter 3

35 0 0
                                    

Chapter 3

            Habang magkayap si Jenny at Randolf ay isang babae na lamang ang sumulpot sa kalagitnaan ng saya nila at sinabi nito kay Jenny na

“Sino ka anong ginagawa mo sa boyfriend ko? “

Naguluhan si Jenny sa sinabi ng babae na si Samantha Aguila (“Mortal na kakompitensya ng best friend niyang si Flourence sa mga beauty pageant at mortal ding kaaway kaaway”) dahil sa pagkakaalam niya ay wala namang girlfriend ito. Kaya tinanong niya ito.

“Randolf? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?”

Sumagot ito “Jen si Sam pala girlfriend ko…”

Hindi pa natatapos magsalita si Randolf nang bigla na lamang sumabat si Samatha.

“Sorry ha hindi ba nasabi sa’yo ni Ran? Kahapon ko lang kasi siya sinagot ee.”

            Halos matulala si Jen sa kinatatayuan niya at hindi makapagsalita sa narinig nang bigla siyang tawagin ni Flourence na halata ang pagkakakunot ng noo sa pagkakakita niya kay Samantha. Pero wala pa rin siya sa kanyang sarili kaya minabuti na lamang ni Flourence na lapitan ito. Saka lang siya nakabalik sa kanyang sarili nang hawakan ni Flourence ang kanyang kamay at sinabing

“Anong ginawa sa’yo nang bruhang talunang ito friend?”

“Excuse me! Ako ba ang tintawag mong talunan?” ang naaasar na tanong ni Sam.

“Ay! Sorry natamaan ka ba? Nang-aasar na tanong ni Flourence

“Abay talagang hinahamon mo akong impakta ka aa.., halika rito at nang maupakan kita “ galit na panghahamon ni Sam.

“Sige! Akala mo uurungan kita?” ang sabi naman ni Flourence ngunit natigilan naman ito dahil sa pagkakahila ni Jenny sa kanya at sinabing

“Tara na friend magcelebrate na lang tayo sa pagkapanalo mo dapat nagsasaya tayo ngayon at hindi nakikipag-away” habang sinasabi ito ay bakas sa mukha niya ang isang ngiti pero halatang pilit at peke.

Dahil na rin sa nakita ni Flourence na unti-unti nang namumuo ang konting luha sa mga mata ni Jen at sumunod na lang ito sa kanya at hindi na pinatulan si Sam.

“O sige na Ran mauna na kami magcecelebrate pa kami nila Flour ee. Congrats na lang ha sa pagkapanalo mo tsaka sa bago mong girlfriend, bagay kayo sana maging masaya kayo!” Pagpapaalam ni Jenny kay Randolf nang hindi tumitingin dito.

Natigilan sila nang biglang magsalita si Sam

“Sige ganyan nga umalis na kayong mga panggulo sa buhay ko! Isang feeling beauty queen na hindi naman deserve at isang pangit na nerd na nangangarap maging fashion designer pero nakaenroll sa isang business course. Mga AMBISYOSA!

            Dahil sa mga narinig papatulan na sana ni Flour ang Sam na ‘yon ngunit hinila at hinawakan siyang muli ni Jen ng mahigpit sa kanyang kamay kaya inintindi na lamang niya ang kaibigan. Si Randolf naman dahil hindi na rin makapagpigil sa inaasal ni Sam ay minabuti na lamang niyang kaladkarin ito palayo dahil kahit anong suway niya rito kanina ay ayaw pa din magpapigil.

Ilang buwan ang lumipas ay napansin ni Randolf na ilang araw nang hindi pumapasok si Jenny kaya sinubukan niyang makibalita kay Flourence..

Ano nga kaya ang nangyari kay Jenny? Bakit ilang araw na itong lumiliban sa klase?  Dahil ba ito sa mga nangyari noong pageant? Alamin sa susunod na Chapter ng "Secretly In Love! :)

Itutuloy!…

Secretly In Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon