Chapter 4

33 0 0
                                    

Chapter 4

“ Flour may nangyari ba kay Jenny ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok ee, dahil ba ito sa nangyari noong pageant? “Nag-aalalang tanong ni Ran

“Ran, Jen is leaving for good dinrop na niya lahat ng subjects natin at lilipat na sila sa New York doon na sila titira.”

Huh? Bakit dahil ba sa ginawa ni Sam?

“Hmm.., baka isa na rin siya sa mga dahilan, sa lahat ba naman kasi ng magiging girlfriend mo bakit ang bruhang Samantha Aguila pa na ‘yon? Puro personal appearance lang naman ang iniisip nun! Hindi katulad ko na maganda na! Mabait pa! Reyna pa ata ng bully ‘yon ee”

“Tama ka dyan Flour kaya nga inlove na inlove ako sa’yo ee,” Singit ni Blake sa usapan ng dalawa sabay kindat kay Flour.

“Whatever! At ikaw ang hari ng bully dapat kayo ni Sam ang magsama parehas kayo ee, hmpf d’yan na nga kayo. Inis na sambit ni Flour habang lumalakad papalayo.

“Sandali lang Flour may itatanong pa ako!” Pagpigil ni Ran sa pag-alis nito.

Ngunit dumire-diretso lang ito na parang walang narinig.

“Ikaw kasi!” Sisi ni Ran kay Blake

“Bakit ako? Wala naman akong ginagawa?” katwiran ni Blake.

“Ewan ko sa’yo!” wika ni Ran sabay lakad palayo kay Blake.

Naiwan naman si Blake doon at napapaisip kung ano ang nangyayari sa mga tao sa paligid niya dahil parang lahat na lang sila ay mainit ang ulo. Hindi na siya nagtaka kay Flour dahil palagi naman siyang tinatarayan nito pero iba kay Ran dahil madalas silang magkasundo pagdating sa pang-aasar.

            Pagkatapos ng klase ay kinausap muli ni Ran si Flour upang makibalita nga tungkol kay Jen dahil mula kanina ay hindi pa din siya mapalagay sa pag-aalala niya dito at alam niyang si Flour lang ang tanging makakasagot sa kung anuman ang bumabagabag sa kanya.

“Flour please ano ba talaga ang nangyari kay Jen bakit siya aalis?” Tanong ni Ran na may nagmamakaawang tinig.

Dahil naaawa na si Flour sa parang naghihirap na kalooban ni Ran ipinagtapat na niya ang tunay na dahilan kung bakit aalis ng bansa si Jen.

“Alam mo Ran ang dahilan kung bakit aalis ng bansa si Jen ay dahil may sakit ang kanyang lolo na nakatira sa New York at dahil matagal na nilang hindi nadadalaw ito ay napagpasyahan ng mga magulang niya na manatili muna sa New York ng ilang taon upang makasama nila ito. Pumayag na din ang mga magulang ni Jen na tuparin ang talagang pangarap niya ang maging isang “Fashion Designer” at doon siya mag-aaral ng fashion designing since doon naman sila mamalagi ng ilang taon.” Habang sinasalaysay ni Flour it okay Ran ay hindi niya mapigilang umiyak dahil sa naiisip niya kung gaano katagal silang mag-hihiwalay na dalawa. Sobrang laki na kasi ng pinagsamahan nilang dalawa at dahil nag-iisa silang anak parang magkapatid na sila kung magturingan.

Dumating nga ang araw ng pag-alis ni Jen ngunit hindi ito hinatid ni Flour

dahil sabi niya baka kapag nakita siya nito ay hindi na niya ito payagan pang umalis. Kaya nagpaalam na lang ito sa pamamagitan ng text.

            Ilang taon ding namalagi si Jen sa New York at naging ganap na nga siyang “Fashion Designer”. Sa pamamalagi niya doon ay hindi pa din nawala ang komunikasyon nilang dalawa ni Flour kaya nang ibalita nito na uuwi na siya ng Pilipinas dahil magaling na ang lolo niya at dito na rin ito magtratrabaho ay natuwa ito. Sinabi pa nga ni Flour na magpapaparty ito (Parang hero’s welcome lang?) sa kanyang pag-uwi. Pero hindi niya sinabi kay Flour ang eksaktong araw ng kanyang pa-uwi dahil gusto niyang surpresahin ito. Pero laking gulat ni Jen dahil mukhang siya ata ang nasurpresa sa kanyang mga nakita.

Ano kaya ang nakita Jen sa kanyang pagbabalik? Hmmm?

Abangan na lang sa susunod na Chapter ng Secretly In Love! haha

Itutuloy…

Secretly In Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon