Chapter 07

9 2 0
                                    

"What? Sigurado ka?" Agad naman siyang pumunta sa harapan ko at inikot-ikot ang doorknob. Tumingin ako sa bintana.  Buti nalang at nasa first floor itong library kaya't madali lang dumaan sa bintana kung sakaling ma locked ang mga studyante sa pinto.

"Anong ginagawa mo dyan?" Sigaw niya. Hindi ko nalamang siya pinansin at nagsimulang umakyat at kumapit para makalabas.

"What the!" Tsk! Daming angal. Ayokong malocked ng ilang oras kasama ang posteng ito noh. Marami pa akong dapat gawin.

"Are you sure?!!" Sigaw niyang muli na hindi makapaniwala.

"Kung gusto mong makulong dyan ng ilang oras bahala ka sa buhay mo. Huwag mo kong idamay." At tuluyan ko ng nailabas ang aking sarili sa bintana. Kasya naman yung katawan niya kung sakaling gusto niyang lumabas. Hula ko ayaw niya na naman madumihan ang suot niya. Napaka arteng poste.

"Anak nang! Seryoso kaba talaga!?" Daming arte. Tiningnan ko lang siya ng "bahala siya looked". Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya. Hindi na ako lumingon pa sa kanya at nagsimulang maglakad palayo sa library.

Saglit kaming nagkita nila Lis at Sophie. Tumanggi akong sumama sa kanila sa cafeteria dahil kailangan ko pang tapusin ang quizzes at exams ko ngayon. Ngayong araw kasi ang deadline nito at kinailangan ko itong maipasa sa office dahil kundi ko ito maipapasa ay tatanggalin nila ako sa pagiging scholor.

Mabilis akong nakabalik sa room.  Wala rin namang. Mga studyante kaya malaya akong nakapaglakad ng payapa. Pagkaupo ko sa upuan ay agad kong kinuha ang aking bag at kinuha ang biscuits na nasa loob. Nagsimula narin akong sumagot sa mga na missed kong quizzes. Sinumulan ko rin basahin ang librong pinahiram sa akin ni Ax. Nakatulong naman siya kahit papaano. Sa kalagitnaan ng pagsasagot ko ay may biglang humablot ng aking papel. Hindi agad ako nag-angat ng tingin. Nagulat nalamang ako ng marinig ang sunod-sunod na punit ng papel. Agad akong napaangat ng tingin sa nilalang na pumunit ng papel ko. Sa lahat ba naman ng tao na pwede kong makita ay bakit siya pa. Tiningnan ko ang aking papel na ngayon ay punit-punit at nasa sahig na. Naiyukom ko ang aking kamao sa nakita ko. Isang pamatay tingin ang binigay ko sa kanya. Hindi ako kumurap habang titig na titig sa mga mata niya. Pinipigilan ko ang sarili kong sugurin siya. Gusto ko siyang sapakin ngayon din dahil sa ginawa niya pero....hindi ako nananakit. Hindi ko kayang manaket ng ibang tao.

"Kita mo to huh?" Sigaw niya sa akin. Tiningnan ko ang kamay at braso niyang may mga sugat.

"Nang dahil sayo, kaya ako nagkaganito". Inis na sigaw niya. Kasalukuyan parin akong nakipagtitigan ng matalim sa kanya.

"Kung hindi mo sana ako iniwan mag isa doon edi sana hindi ako magkakasugat ng ganito." Tsk! Kalalaking tao hindi marunong dumiskarte. Ang hilig hilig pang sumigaw.

Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan ko na siya. "Wala akong sinabing sumunod ka sa akin doon. Wala akong sinabing tulungan mo ako. At wala akong sinabing gayahin mo ang ginawa kong paglabas sa bintana. Ngayon mo sabihin sa akin. Kasalanan koba talaga o Kasalanan mo simula sa umpisa pa!"? Kita kong napalunok siya sa mga sinabi ko.

Agad akong lumapit sa mga papel kong ngayon ay punit-punit na. Sakto namang isa isang nagsipasukan ang aking mga kaklase dahilan para pag tsismisan at pagtawanan nila akong lahat.

"Yumi?" Rinig kong gulat na tanong sa akin ni Sophie. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya. Kaya't dali-dali niya akong tinulungan. Rinig ko rin ang pakikipagsagutan ni Lis sa mga kaklase ko.

Inawat naman nina Ax si Lis dahil malapit ng magsambunutan si Lis at ang kaklase kong kaaway niya. Habang nakatingin parin sa gawi ko si Kai.

"A-anong nangyari dito"? Halos maiyak-iyak na tanong sa akin ni Sophie. Tiningnan ko lamang siya ng blangko.

Paubaya Series #1: Tears Of Sorrow [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon