Unang Yugto
..
.
Nakangiting pinagmasdan ko ang maalon na dagat sa harapan ko. Bitbit ko ang aking surfboard na may pinaghalong kulay ng pink at blue.
Pinusod ko ang mahabang buhok at pinagpagan ang suot kong rash guard. Sabik akong tumakbo tungo sa dagat habang nilalagay ang mga takas na buhok sa likod ng aking tenga.
Nakadapa akong sumampa sa surfboard na dala at unti unting sinalubong ang malaking alon na papalapit saakin habang kinakampay ang mga kamay sa tubig. Nang makalapit na ang alon ay iniba ko na ang aking posisyon. Naka tayo kong inilahad ang mga kamay sa magkabiling gilid at medyo binaluktot ang mga tuhod upang makakuha ng tamang balanse.
"Hoooh!" nakatawang sigaw ko at pinagtuunang pansin ang pag susurfing.
Bakasyon na, kaya naman malaya akong makakapag surfing sa loob ng dalawang buwan. Natuto akong gumamit ng surfboard noong labing limang taong gulang. Nagkaroon ako ng interes dito dahil sa kapatid ni papa na lagi akong sinasama kapag nagsusurfing noon. Mahilig kasi siya sa mga sports lalo na ang surfing. Walang asawa't anak si tito Anton kaya madalas niya akong sinasama sa mga lakad niya kapag wala siyang trabaho. Nakakalungkot nga lang na nasa ibang bansa siya dahil maraming nakukuhang proyekto dahil sa pagiging engineer niya. Mabuti nalang din at bago pa siya makapangibang bansa ay naturuan niya na akong gumamit ng surfboard.
Kapag nagsusurf, nararamdaman kong malaya ako. Lubos kong naipapadama ang saya sa aking ginagawa.
I feel like I'm one with the waves.
"Hoy Hazelkae! Sinasabi ko na nga bang nandito ka nanaman!"
Nawalan ako ng balanse dahil sa pagkabigla. Wala naman kasing tao dito kanina kaya hindi ko inaasahan ang tinig na iyon. Nahulog ako sa dagat at napaubo ng kaunti.
"Ayan! Hindi kasi nag-iingat oh anong nakuha mo?" tumawa si Alexis habang tinuturo ako.
Tumayo ako at inayos ang surfboard para maka punta sakanya. Pagak akong tumawa.
"Anong hindi nag-iingat ikaw tong bigla bigla nalang sumigaw diyan eh kita mo naman na nasakalagitnaan pa ako ng pagsusurf. Sabi ko naman saiyo na huwag kang mam-"
"Oo na, ganyan ganyan" she copied my way of talking.
"Iniwan mo nanaman ba ang cellphone mo sa inyo? Paano ka mahahanap ng mga tao ha? buti nalang at alam ko ang mga madalas mong ginagawa" sermon niya.
"Hindi ko iniwan, sadyang naiwan ko lang" hinilig ko ang surfboard ko sa puno ng buko at inayos ang pagkakatali ng buhok ko.
"Excited ka kasi masyado. Kahit na Kae! alam mo namang oras oras kang hinahanap ng mga mahal mong magulang" kinuha niya ang towel sa maliit na bag na bitbit niya at pinunasan ang basa kong mukha.
Tumawa ako ng mahina at nginuso ang mga labi.
"Hinanap nanaman ba nila ako sainyo? Ano daw ang kailangan?" kinuha ko mula sa kanya ang towel at ako na ang nagpatuloy sa pagpunas ng katawan ko.
"Oo at hinahanap ka daw ni tito Anton dahil nag facetime sila. Alam mo naman na ikaw ang paboritong pamangkin noon" she crossed her arms while looking at me.
"Masyado ka din talaga Alexis. Ako lang naman talaga ang pamangkin ni tito dahil wala naman akong kapatid at silang dalawa lang ni papa ang magkapatid diba?" ngumiti ako ng may pag-aasar sa kanya.
"I know. Hindi mo ba alam ang salitang sarcasm?" she rolled her eyes jokingly.
"Tara na nga at pinasundo ka pa saakin ni tita, alam niya sigurong alam ko kung nasaan ka"
YOU ARE READING
Dèjá Vu
Teen Fiction[ON-GOING] Kapag tinititigan kita sa mata ay nakikita ko ang mga mata niya. Kapag tinitingnan kitang ngumiti, nakikita ko ang mga ngiti niya at kapag lumalapit ka ay bumibilis ang tibok ng puso ko, katulad ng nararamdaman ko noong mga panahong kasam...