Ikalimang Yugto
..
.
"Hi ate!" bungad ni Javier saakin ng makalapit.
"Magkakilala po kayo nitong si Hoshi?" tanong ni Jazzy at tinuro ang pinsan.
Bago pa ako makasagot ay binatukan na ni Javier si Jazzy.
"Anong Hoshi! Huwag mo nga akong tawagin niyan. Siya nga tinatawag mong ate tapos ako walang kuya?" pinisil niya ng nanggigigil sa pisngi si Jazzy.
Sinamaan siya ng tingin ni Jazzy. "Aray! Bakit hindi Hoshi? Pangalan mo pa din naman yan."
Tumawa ako sa kulitan nila. "Hindi naman kami masyadong magkakilala Jazz."
Hindi naman kasinungalingan iyon. I'm just stating a fact. Hindi naman dahil sa minsan naming pagkikita ng landas ay magkakilala na kami ng lubusan.
Napaubo ang Kuya ni Jazzy sa tabi ni Javier.
"Man down." he said.
Siniko naman agad siya ni Javier habang namamanghang nakatingin saakin. Heto nanaman siya sa mga ekspresiyon na hindi ko naman alam kung para saan.
"Kuya si Ate Kae po pala." pagpapakilala ni Jazzy saakin sa kuya niya.
"Ate si kuya Wesley po pala. He's 19." she said with a teasing tone.
I put on an awkward smile. "Uhh, hi?"
"I'm also 19." singit ni Javier with an arrogant tone kaya napatawa ng mahina si Wesley.
What he's 19? I thought he was older than me! Kaya ko nga siya inaadress ng po kasi akala ko mga nasa 20's na siya. He looks mature. Kaya siguro siya tumawa noon kasi nag po pa ako. Lupa kainin mo ako!
Itinaas ni Wesley ang dalawang kamay at pinaglapat ang mga labi.
Weird naman nito. Pahiya na naman ako, hindi man lang nag hello.
"Sinong may pake Hoshi? Ano ba kuya magsalita ka naman!"
Pinisil ulit ni Javier ang pisngi ni Jazzy. "Tama na yan Jazz baka magalit girlfriend ng kuya mo."
Napalingon agad si Jazzy kay Wesley at sinamaan ito ng tingin.
"Totoo?" pinanliitan niya ito ng mata. "Bakit di mo sinabi saakin? Susumbong kita kay mom."
Sinabunutan naman ni Wesley si Javier. "Gagi! Pinagsasabi mo? Baka gusto mong ilaglag kita?"
"Joke lang Jazz. Tara na at baka may importanteng bibilhin si Hazelkae. Inaabala niyo pa yong tao."
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hayaan na nga. Baka mag assume pa ako.
Umiling ako. "Hindi, okay lang naman " tanggi ko.
"Ay sorry po, tara na ate." hinila na ako ni Jazzy papasok.
Naghiwahiwalay din kami di kalaunan pagkapasok. Syempre, bakit kami magsasama diba? Napag-utusan yata silang mag grocery dahil narinig kong mag recite si Wesley ng mga bibilhin mula sa cellphone niya. Oo, recite talaga. Napagalitan tuloy siya ng pinsan at kapatid dahil ambilis niyang magsalita.
Stick-o lang sana bibilhin ko kaso mukhang nakakahiya kaya nag text ako kay nay Suling kung may mga kulang na stocks ba sa bahay at ako nalang ang bibili. Wala naman daw masyado kaya naisipan kong bumili nalang din ng cereals, gatas at kaunting canned foods. A push cart was also with me this time.
Nasa taas pa nang shelf ang mga stick- o kaya tumingkayad ako para kunin iyon kaso hindi ko iyon lubusang maabot. Suddenly, a hand reached the jar of stick-o that I am aiming for.
YOU ARE READING
Dèjá Vu
Teen Fiction[ON-GOING] Kapag tinititigan kita sa mata ay nakikita ko ang mga mata niya. Kapag tinitingnan kitang ngumiti, nakikita ko ang mga ngiti niya at kapag lumalapit ka ay bumibilis ang tibok ng puso ko, katulad ng nararamdaman ko noong mga panahong kasam...