Ikaapat na Yugto
..
.
Kaya pala pamilyar ang apelyidong iyon. Yun pala ang pinag-usapan namin ni Alexis noong nag jogging kami. Infairness tama siya. Guwapo nga iyon.
"Weh? Di nga? Bakit naman magtatrabaho iyon doon eh ang yaman yaman naman nila" sabi ni Alexis habang ngumunguya ng piattos.
Kinuwento ko kasi sakanya ang nangyari kahapon. Hindi ko ngalang sinama pa yung nangyari noon sa grocery store dahil baka mag-assume nanaman ito ng kung ano-ano.
Nandito kami ngayon sa bakuran nila. Naisipan naming mag picnic. May maliit na kubo kasi sila sa likod ng bahay kaya pumwesto kami sa kilid nito at naglatag ng sapin sa damohan. Maganda rin ang sikat ng araw, hindi masyadong masakit sa balat at kapag hindi na namin kaya ang init ay sa kubo nalang kami tutungo.
"Aba malay ko. Paano ko naman malalaman iyon"
Ngayon ko ngalang nakilala ang itsura noon. Hindi ko naman kasi siya masyadong nakakasalubong sa campus dahil magkaiba kami ng department.
"Pero hindi naman nakakagulat na tinulungan ka niya doon dahil friendly din naman iyon"
Noted.
"Hayaan na nga natin siya. Change topic."
Uminom siya ng tubig at tumingin saakin.
"Baka siya na Kae?"
"Anong siya na? Alam mo Alexis masyado ka talaga." todo tanggi ko sa tanong niya.
She showed her confused face at me. "Diba sabi mo saamin noon gusto mong may mag paint sayo? Magaling sa arts yung si Javier."
I shifted in my seat uncomfortably and avoided her intriguing eyes.
"Kailan ko sinabi yon ha? At kung totoo nga, marami namang magaling din sa arts diyan bakit siya pa gayong hindi naman kami close."
She smiled wickedly. "Palusot. Naku Hazelkae! Anong iniisip mo ha? Parang hindi tayo nagkakaintindihan dito."
"Ha? Ewan ko sayo Alexis." inikot ko ang mata sakanya. "Eto cheetos paborito mo. Kumain ka pa." sinubuan ko agad siya ng cheetos upang hindi na siya mag salita pa.
Tumawa ako dahil hinampas niya ako ng malakas.
"Aray!" ginantihan ko din siya ng hampas sa balikat.
At yun na nga ang nangyari saamin maghapon. Naghampasan, nag-asaran at kung ano-ano pa.
Kinagabihan ay sa bahay ako nag hapunan kasama nila mama at papa.
"Pumupunta kapa ba sa dagat Kae?" tanong ni mama sa gitna ng hapunan namin.
"Kahapon ma nandoon ako pero huwag kayong mag-alala hindi naman ako palagiang nandoon."
Alam ko namang nag-aalala sila sakin kapag nasa dagat ako lalo na kung mag-isa lang ako.
"Kapag may problema nak sabihin mo agad saamin ha? Medyo busy kasi kami nang mama mo dahil may inaasikaso kaming panibagong case."
"Opo pa. Okay lang naman din po ako"
Tumayo ako at kinuha ang pinagkainan para ilagay sa kusina.
"Tapos na po ako kumain, aakyat na po ako" paalam ko sakanila.
"Huwag magpupuyat Kae!"
"Opo ma!"
YOU ARE READING
Dèjá Vu
Teen Fiction[ON-GOING] Kapag tinititigan kita sa mata ay nakikita ko ang mga mata niya. Kapag tinitingnan kitang ngumiti, nakikita ko ang mga ngiti niya at kapag lumalapit ka ay bumibilis ang tibok ng puso ko, katulad ng nararamdaman ko noong mga panahong kasam...