Mirai's PoV
"Salamat ate" sabi ni mama kay tita.
"Salamat po tita" magalang ko ding sabi kay tita.
"Ay naku walang ano man basta ikaw maganda kong pamangkin" sabi naman ni tita at humagik-hik.
"Psh. Anong magandang pamangkin?" Bulong ni ate patty.
"Sya maganda yuck, saan banda" bulong ni ate Abby.
Tumingin naman ako sa kanila ng masama mukha namang napansin nila yon kaya tinaasan nila ako ng kilay.
"Anong tinitingin- tingin mo dyan" mataray na sabi ni ate Abby.
"Wala, bubulong nalang kase kayo yung rinig ko pa" walang emosyon kong sabi sa kanila.
Mukha namang napansin nila mama, papa, at tita ang tensyon saming tatlo. Kaya agad lumagitna si tita.
"A-ahh Sige una na kame, mira kung gusto mong bumisita samin dyan lang kami sa kabilang kanto ha Yema, Andy una na kame ng mga bata ah" paalam ni tita samin.
"O sige ingat kayo" papa
"Ingat paki kamusta kami sa asawa mo ah" mama.
"Oo kayo nang bahala ha" sabi ni tita at hinila na sila ate Abby palabas ng Apartment.
"Pano ba yan una nadin kami anak ingat ka dito" paalala ni mama sakin. May kinuha naman si mama na paper bag sa labas at binigay to sa akin.
"Ano to, ma?" Tanong ko pagkabigay sakin ng paper bag.
"Uniform mo, uhmm medyo malaki sayo yan pero ayos lang naman diba" sabi nya sakin.
Kinuha ko naman ang uniform ko at tinigna ito medyo malaki sya. Yung palda nya ay malapit ng maghanggang tuhod tapos yung blouse nya hanggang puwetan ko tapos medyo malaki den yung sa kamay nya. Yung PE uniform naman ganon den malaki.
"Ma kayo ba ang bumili nito?" Tanong ko kay mama habany tinignan pa ang Apat na uniform ko.
"Bigay yan ng school mo" sagot naman nya.
Napa 'ahhh' nalang naman ako.
"Wag kang magpasaway sa bago mong school, ang liit liit mo tapos ang tapang tapang mong bata ka" naiiling na sabi ni papa sakin.
"O sya Mira una na kami ng papa mo may aasikasuhin lang kami sa kompanya, magiingat ka ha" mama bago ako halikan sa pisngi ko ganon din ang ginawa ni papa bago umalis.