CHAPTER 9

22 0 0
                                    

Mirai's PoV

"Uhh Xaiden" tawag ko rito pero dinedma nya lang ako.

"Xaiden" tawag ko ulit sa pagkakataong ito tumingin sya saakin..... Yung masamang tingin ah.

"Hehehe gutom na ko" nakanguso kong Sabi dito napabuntong hininga naman sya.

"Tara" tipid na sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Dapat ba akong kiligin. Di pede masyado kang malande eh.

Hinila nya naman ako sa malapit na tindahan at bumili ng pagkain.

"Anong gusto mo" tanong nya sakin.

"Kahit ano basta pagkain" sagot ko naman at umupo sa upuan na nakalagay malapit sa harapan Ng tindahan.

"Oh" Sabi nya sabay abot ng plus at Onion ring.

"Saan kaba nakatira?" Tanong nya habang sumisip sip ng soft drinks.

Ang daya sakin plus tapos sa kanya soft drinks ang unfair.

'wag kana ngang magreklamo ikaw na nga lang tong nagpapalibre eh'

"Doon oh" sabi ko sabay turo sa malaking apartment sa lahat rito sa baranggay di makapili.

Hehehe ang lupit ng pangalan no guys.

"Tara ihatid na kita3" yaya nito sakin.

Agad naman akong tumango at sumunod sa kanya sa paglalakad.

Choosi paba ako ang pogi ni koya, ihhhhh.

"Xaiden bakit ka nga pala andito?" Curious na tanong ko.

"Wala lang" tipid nyang sagot.

"Bat tipid mong magsalita?" Tanong ko ulit at humigop ng plus.

"Nakakatamad eh" wika nya sakin kaya napanguso ako.

Nakakatamad daw, eh ako nga halos mamatay kapag tahimik eh tapos sya sasabihin nya lang na nakakatamad may goshhh.

"Eh, bakit mo alam dito" tanong ko ulit.

"Alam ko eh" sagot nya. Oo nga naman.

Tahimik kaming naglalakad syempre wala na akong ma I topic eh, tapos tipid nya pang sumagot. Kaya nakanguso ako habang naglalakad.

Habang naglalakad ay nakanta ako sa isip ko.

'amboring'

'amboring'

'amboring nyang kasama'

'hmm, hmm, hmm, hmhmhm'

'hmm, hmm, hmm, hmhmhm'

Kanta ko sa isip ko. Napatingin naman ako sa unahan ko Kung nasaan si Xaiden na naunang maglakad sakin.

'hay mababaliw na ata ako'

'eh baliw ka na nga eh' sabi ng isil ko.

Ang bad bad Mo talaga huhuhu.

Sana makauwi na AKOOOO hindi ko na kaya yung ganito putaaa.

"Andito na tayo" Sabi nya kaya napaangat ako ng tingin nakatungo kase ako kanina eh.

Yeeheyyy andito na kamiiiiiii.

"Hihihi..." Mahinang hagikhik ko."... Salamat sa paghatid" mahinhin kong pasasalamat. Pero sa loob loob ko gusto kong sumigaw sa saya whaaa.

"Uhmm" Sabi nya at tumingin sa apartment. Kaya tumingin din ako, uhm wala namang kakaiba na puwedeng tingnan.

"Ahh, hehehe. Una na ako ha." Sabi ko ulit tumingin naman sya sakin at tumango at tumalikod.

Tumalikod nadin ako at pumasok sa apartment ko sa second floor.

Pagakyat ko don ay nakita ko yung lalaking nakasabay ko kanina. Kaya napabusangot ako at ngumuso naglakad ako papunta sa apartment ko at bubuksan ko na sana ng hawakan nya yung braso ko.

"Wait" sabi nya. Kaya nakanguso akong tumingin sa kanya.

"Ano?" Nakanguso kong tanong.

"Uhmm yayayain Sana kitang kumain sa apartment ko alam ko kaseng di kapa nakain eh bumili ako nito oh." Sabi nya at itinaas yung plastic nyang dala.

Hinablot ko naman yon at tinignan ang laman samantalang sya ay umiiliny na binuksan yung pinto ng apartment nya. Nagningning naman Ang mata ko ng makita yung inorder ko kaganina na pagkain dun sa bulok na karinderya.

"Lika na" Sabi nya kaya agad akong sumunod sa kanya papasok. Tumingin naman ako sa buong kuwarto. Edi Sana all maganda at malinis, sakin kase kahit ata anong linis ko madumi padin eh palinisin ko kaya to sa apartment ko bayaran ko lang ng sikwenta.

"Tara dito" yaya nya at umupo sa sofa lumapit din ako doon at umupo nilapag ko doon ang pagkain na binili nya may mga plato na naman na nakahanda kaya hindi na kaylangan pumunta sa kusina para kumuha.

Nilagay nya na sa mga plato ang pagkain.

"O kain na" nakangiti nyang Sabi. Kaya agad kong nilantakan ang pagkain.

Habang nakain ay napansin kong hindi sya nakain kaya Napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sakin.

"Hindi ka kakain" sabi ko pagkatapos kong nguyain ang pagkain sa bibig ko. Umiling lang naman sya at ngumiti.

"Hindi na kakatapos ko lang" Sabi nya habang umiiling.

Tumango naman ako at Kumain na ulit.

"Ang liit liit ang takaw takaw" rinig kong bulong nya. Tumingin naman ako sa kanya ng masama.

"Shabi mo?" Sabi ko ng puno ng pagkain ang bibig ko.

"Wala, wala" Sabi nya.

Pagkatapos kong kumain ay nagpasalamat na ako at umalis na sa apartment nya at pumasok sa loob ng apartment ko at nahiga sa kama ko.






__________
End of....
Chapter 9.
__________


'wahh tuwing lunes hanggang biyernes lang po ako mag-uupdate hindi po ako mag-uupdate tuwing sabado at linggo yun lang po.'



READ | COMMENT | and VOTE
-thank you :)


Up NeeXxXt.........

My Little ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon