Himpapawid

4 2 1
                                    

Sa ngiting dulot mo sa’king mga labi, salamat.
Kinagigiliwan ng puso ko ang bawat mong halakhak,
At ang walang patid mong ngiti kung ako’y kaharap.
Lumalalim tuloy, katagang inilahad.. 😅

Nag-uumapaw ang saya kung namamasdan ka,
ang masayang mukha mo, kung nagpapa cute ka.
kapag sinasabi mong hinahanap hanap mo,
Minsan nga sa iyo ay nananabik din ako.

Pero natakot akong dumating yung araw,
bigla na lang sa akin, ikaw ay aayaw.
Pagdating ng araw baka bigla kang mapatid
Hanggang maiwan mo na lamang ako sa himpapawid.

Tila pinagsawaan mo na yung mga nagawa mo ..
Parang yelo ikaw sa’kin ay lumamig.
Ang usok ng pag ibig mo ay naglaho,
“Sana ay hindi” ang sa puso’y himig.

Sa takot ko, pinili kong ako ang umalis.
Nagpaalam sa iyo na hindi na babalik. Nagbaka-sakaling ako’y iyong pipigilin, Hahawakan ang kamay at muling yayakapin.

Nguni’t hindi.
At iyon ang masakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Himpapawid (Complete)Where stories live. Discover now