Pangako

3 2 0
                                    

Maliwanag noon ang buwan,
Kitang kita ang ganda ng kalawakan,
Mga bituing parang dyamanteng kumikinang,
Kasabay ng pagdaan ng isang bulalakaw.

Habang hawak mo ang mga kamay ko,
Kasabay nang pagsambit ng mga pangako mo,
Sabi mo, ako lang ang babaeng pakakasalan mo,
Ang babaeng lalakad nang madahan papunta sayo.

Ngunit katulad ng isang buwan,
Ang mga pangako mo'y natabunan.
Dahil hindi ako ang babaeng iyong pinakasalan,
Kundi ang pinakamatalik kong kaibigan.

Likha Ng Tula (Complete)Where stories live. Discover now