Napawing Ikaw

2 2 0
                                    

Kadiliman sa malamig na gabi,
Liwanag ng buwa'y ang ilaw na silbi.
Sa umaga't gabi-gabi,
Hangad ko'y ikaw ay makatabi.

Romantiko nating pag-iibigan,
Tila'y nangunguna ang di pagkaunawaan,
Ano nga ba ang syang dahilan,
Palagi ka namang pinapahalagahan.

Araw-araw mapagabi,
Di mapawi saya sa'king mga labi.
Boses mo'y huwarang mapang-akit,
Hangad rin sana'y yakap mong mahigpit.

Dilubyo sa pagmamahala'y namagitan,
Tila'y hadlang sa pag-iibigan,
Pagmamahala'y nagiging sapilitan,
Oras mo'y di ko na mahagkan-hagkan.

Espesyal na katangian,
Tanging sayo lang natagpuan,
Ngunit sa 'di katagalan,
Nagbago't 'di na nasisiyahan.

Nasan na pangako mong mabango?
Tila'y naghingalo't biglang nagbago.
Pangakong sana'y  hanggang sa kamatayan,
Iibigin sana patungo sa walang hanggan.

Ala-ala pa sakin na nakilala ka ng di inaasahan,
Lubos na kagalakan ang naidulot mong kasiyahan.
At sa gitna ng pighati,
Ikaw ang dahilan upang ako'y muling ngumiti.

Tanging ikaw lang sa aki'y nagpapasaya,
Kaya't sa kalungkutan ako'y nakakalaya.
Sa bawat oras hanap ka't gustong makausap,
Sapagkat sayo'y nadama pagmamahal na aking pinapangarap.

Sa pag-uusap natin ng kay tagal,
Nahulog na sayo't ako'y napamahal.
At sa mga salita mong mahahalimuyak,
Kinikilig sayo't napapahalakhak.

Sa katagalan ng ating pagbabangayan,
Nakaramdam na ako nang katamlayan.
Mga salita mo'y nanlalamig,
Kaya't alam ko na kung ano ang iyong ibig.

Binanggit mo'y wala nang pagmamahal,
Pakiramdam mo'y di na ito magtatagal,
Kahibangan sayo'y di ko na matanggal,
Pintig ng puso'y bigla na lang bumagal.

Sa 'di kalaunan narinig ko na din,
Ang talinhagang "pagod ka na sakin".
Sakit at lungkot,
Mga 'yan sa aki'y naidulot.

Lumbay at matinding galit,
Sinampal sakin ng papilit.
Nararamdama'y di ko na mawaglit,
Puso'y duguan sa sobrang sakit.

—@

Likha Ng Tula (Complete)Where stories live. Discover now