Isang Buwan Lang Pala

7 3 2
                                    

Isang buwan na puno ng saya
Na akala ko hindi na matatapos pa

Tama sila sa una lang laging masaya
Di ko inakala na hanggang doon nalang pala
Mga pangarap na binuo nating dalawa

Na sa isang iglap biglang natapos dahil nawalan lang ng gana
At tila ba nagsawa na

Ganon ba talaga kapag nahulog na?
Bigla nalang iiwan ng basta basta
Na para bang walang pakialam kung may masaktan ng sobra

Akala ko ba seryoso ka
Na hihintayin mo ako hanggang sa pwede na
At hanggang sa maging tayo na
Pero bakit binalewala mo na ko habang iniibig pa kita

Tangina kung nasaktan ka noon, huwag mo akong idamay ngayon

Sinubukan ko lang naman ulit magmahal kase akala ko ikaw na
Pero isa ka lang din pala sa kanila

Di ba ikaw yung nauna?
Pero bakit sa huli ako pa yung nagmukang tanga

Akala ko sayo na ko sasaya pero sayo lang pala ako madudurog ng sobra

Sana nanatili nalang tayo sa simula kung saan tayo naging masaya
Pero mas maganda siguro kung sana hindi nalang kita nakilala

Gusto kong tanungin ka para malaman ang dahilan pero wag nalang
Hindi mo rin naman sasabihin yung totoo kase ganyan ka naman
Ayaw mong pinag uusapan yung mga bagay na gusto kong malaman

Sabi ko hindi kita susukuan kase akala ko magbabago ka pa pero hindi na pala

Kaya pinili ko nalang sumuko hindi dahil sa ayaw ko na
Kundi mas nangingibabaw na yung sakit kesa sa saya

Sana talaga nanatili nalang tayo sa simula
Sa simula kung saan tayo naging masaya
Kahit isang buwan lang pala.

#18 (09.16.20)

Likha Ng Tula (Complete)Where stories live. Discover now