01

10 0 0
                                    

"We need to go," sabi ni Dyfael na nakalook-out sa labas ng inabandunang gusali kung nasaan kami. May paparating na sigurong mga pulis.

"Sinwerte ka pa." Sabi ko sa lalaking nasa harapan ko, nakaupo sa isang upuan at nakatali ang paa at mga kamay. Puro sugat na ang mukha niya at halatang binugbog dahil sa kalagayan ng katawan niya. Mukhang isang suntok ko lang dito, matigil na siya sa paghinga.

"Why? Will you let me live?" Tanong ng lalaki sa 'kin. Tumagilid ang ulo ko at tiningnan siya bago pinaglaruan ang baril sa kamay ko.

"Who said I would let you live?" I asked. "Ayaw mo bang sumama sa kanila?" Seryosong tanong ko, tinutukoy ang mga tao niya na nakalupasay na sa sahig.

"Bakit ko naman gugustuhin sumama sa mga walang kwentang batang 'yan? Hindi naman nila ako naprotektahan. Ano pang silbi nila?" Puno ng galit ang tono ng pagkakasabi niya.

"Ano pa nga bang silbi nila? E' patay na silang lahat..." sabi ko.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Mga miyembro ng grupo na kinabibilangan ko. Lahat sila ay tumingin sa 'kin. Tumango ako sa kanila kaya sinuot na nilang lahat ang mask nilang itim at naghanda na.

"I just said you're lucky because i'll make your death less painful for you." I said and turned to him once again. I pointed the tip of my gun at his head. "You should thank us for making your trip to hell earlier than expected."

"You're already hell." He said with full hatred in his voice.

"We're just an introduction to what hell really is." I whispered to him.

"You're just a waste of my energy. You're not even worth a bullet. Ash, here." I called Ashniel and tossed him my gun before looking back at the man. "See you in Hell," I said before turning my back on him and walked away.

"Simena," tumingin ako kay El ng tawagin niya ako. "Male-late na tayo. Nasa labas na si Dyfael." Tumango ako bago lumipat ang tingin kay Pavia.

"Mr. Kioroso Leandro, Checked." Pavia said once we heard a gun shot.

"Will, is it clear?" I asked Will.

"Disposed the guns and knives. I also burned the remaining evidence. We're clear." He replied. I nodded and hid my gun inside my mini bag.

"Then we're done here. Let's go." I signaled them and we retreated. 20 other members walked out of the dark and followed us back. I hopped on my bike and left the abandoned building wearing my black helmet on.

We were already gone when police came.

"Too slow."

Nang makabalik kami sa lugar namin ay dumiretso ako sa kwarto ko do'n. Ang lugar namin ay isang malaking bahay. Binili niya ang bahay na 'to para sa 'min. May kwarto kaming tig-iisa kaya minsan dito ako natutulog. Naglinis muna ako ng katawan bago nag palit ng malinis-linis na damit. Sinuot ko na ang black combat boots ko ng matapos ako sa pagdadamit. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin.

I was wearing a black crop top, grey jacket and ripped jeans. Nag dala ako ng baril at tinago ito sa loob ng jacket ko. Nag tago din ako ng kutsilyo sa combat boots ko, pocket knife lang naman. Hindi ko na tinali ang buhok ko at hinayaan na itong nakalugay.

Kinuha ko na ang cellphone, wallet at mga susi ko bago ako lumabas ng kwarto. Wala ng tao sa loob maliban na lang sa mga baguhan na bata. Ilan sa kanila ay kasama namin kanina para makita kung ano ang gagawin nila pag nakapasa sila sa ensayo nila.

Lumabas na ako at naglakad na papunta sa sasakyan kung nasaan sila. Binuksan ni El ang pinto para sa 'kin kaya sumakay na ako at sinaraduhan na ulit ang pinto. Si Dyfael ang nasa driver's seat at si Ashniel ang nasa passenger seat. Tulog naman si Freya, Rox, Pav at Jad sa likod namin habang nagdadaldalan ang dalawa kong katabi na si Anlie at El.

Fight me thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon