03

2 0 0
                                    

need to go home.

Tinago ko ang mga gamit ko sa cabinet bago nilock ito. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at iba pang mga susi pati na din ang phone ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina. May pagkain ng nakahain sa lamesa at nakain na silang lahat.

"Ssob! Kain na!" Aya ni Ashniel sa 'kin. Tumango lang ako sa kaniya.

"Aalis na 'ko." Paalam ko sa kanila.

"Aga mo naman umalis, boss?" tanong ni Ash.

"Tarantado. 1:30 na." Umiiling-iling kong sabi.

"Ang tagal mag salita ni tanda kanina e'." Ani Jad. Totoo ang sinabi niya. Isang oras na ang lumipas ayaw pa rin niya kanina mag salita. Buti na lang at napagod na siya sa mga suntok na natatamo niya.

"Hindi ka kakain, Simena?" Tanong ni Rox.

"Hindi. Kailangan ko ng umuwi. Bantayan niyo 'yang mga baguhan." Bilin ko sa kanila at tinuro ang mga bata na nakain din sa lamesa. Mga bago silang miyembro na nag-eensayo pa. Kaya din sila kasama kanina para makita kung ano ang mga gagawin nila pag nakapasa na sila sa ensayo.

"Kami na bahala! 'Wag ka mag aalala!" Nag thumbs-up pa si El.

"Mag paalam ka kay Lu, Simena!" Paalala ni Dyfael.

"Huwag na. Si El na daw bahala e'." Nakangisi kong sabi bago naglakad na palabas. Napakinggan ko naman na nabulunan si El sa sinabi ko.

"Hoy Simena!" Tawag ni El pero 'di na ako lumingon. Wala na akong oras para sa kanila. Kailangan ko ng umuwi.

Dahil sa sobrang layo at tago ng lugar namin ay nakadating ako sa bahay ng 2:00 na. Kung 'yung bike ko siguro ang gamit ko, mabilis akong makakarating sa bahay. Hindi ako nagpark sa loob ng garahe namin. Alam ko naman na aalis agad ako.

Pumasok ako sa loob at bumungad sa 'kin ang isang magulong bahay. Ang daming basag na kung ano-ano sa sahig. Magulo na din ang pagkaka-ayos ng sofa. Basag na ulit ang tv. Nakataob na ang mga maliit na upuan at lamesa. Hindi na ako nagulat ng iyon ang makita ko. Ano bang bago?

"Simena." Tawag sa 'kin ng isang babae na sobrang gulo ng itsura. Halata sa mga mata niya na umiyak siya. Alam ko sa kabila ng itsura niya ngayon, katulad ko lang din siya. Walang puso.

Tiningnan ko lang siya saglit bago naglakad papunta sa taas. Hindi na niya ako sinundan dahil alam na niya kung saan ako pupunta. Nang makarating ako sa harap ng pinto ng isang kwarto ay kumatok ako ng marahan.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita kung gaano kadilim sa loob. Sinarado ko na ulit ang pinto ng makapasok ako sa loob ng kwarto. Binuksan ko ang ilaw at nakita kung gaano kagulo ang paligid niya.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto hanggang sa makita siya sa isang sulok, yakap-yakap ang mga tuhod niya. Naglakad ako papunta sa harap niya at lumuhod.

"Calliope," I called her. She immediately looked up and started to cry when she saw me. That's it. I had enough of this.

"Ate," she hugged me tightly and cried on my shoulder. "Ate, M-Mommy a-and daddy... scream... ate," nahihirapan siyang mag salita dahil naiyak siya.

"Do you want to go with ate?" Tanong ko sa kaniya. Agad siyang tumango. Kumalas ako sa yakap niya at ngumiti sa kaniya. I kissed her forehead. "Then ate will get you out of here." Out of this hell.

"Don't leave me, Ate." Natatakot niyang sabi.

"I won't." I smiled at her. Tumayo na ako at hinawakan parehas ang maliit niyang kamay. "Can you stand up?" I asked her.

"Yes po." Tumayo na siya pero kita ko na nangangatal siya.

"Okay, then we'll pack your things okay?" Tumango siya at nakakapit sa dulo ng damit ko. "Where's your bag?" Tanong ko sa kaniya.

Fight me thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon