Two

3 0 0
                                    

Blanche's POV

"Aaahhhhh!  Nakakapagod!  " 3 pm na ngayon.  Tapos na ang klase.  Huhu,  bugbog nanaman ang katawan ko.  Bakit kasi si Cinth pa naging katapat ko ei.  Ei pwede nanaman siyang hindi magtraining at sa bahay nalang nila.

Nakahiga kami ngayon sa feild,  habang si Cinth nakaupo lang.  Di siya pagod ah.  Letse! 

"Gutom nako. "

"Kakakain mo lang,  Ali. " bara sa kanya ni Hope.  Hanep talaga ng dragon niya ei.  Daling magutom,  baka may isang spirit na nakakabit sa likod niya na may aparato tapos sinisipsip lahat ng kinakain niya kaya siya madaling magutom?  Nabasa ko yan sa isang manhwa or manga bayun.

"Day dream pa more. " saka ako siniko ni Hope. 

"I noticed.... " nilingon namin si Cinth sa panimula niya.  Lagi naman yang may nano notice ei.  Pero yung mga admirers niya di man lang ninotice.

"Why are they so silent? " they?  Yung mga hudas ba tinutokoy niya?  Oo nga no?  Kasi kanina di man lang sila tumingin samin o kahit sa prof.  Pati nga yung sa training napakaseryoso,  parang may iniisip.  Wala naman silang isip.

Napaismid ako,  buti nalang.  Araw araw nalang yan pabibo ei. At anong pake ko sa kanila?  Bored lang yan si Cinth kaya niya napansin ang mga yun. 

"Oo nga,  pero ang cute ni Clive pag seryoso. " binato ko nang panyo si Alison.  Kinikilig pa ang gaga habang iniisip ang Clive na yun.  Che!  Chickboy yun oy!

"Aray naman,  Lan. " nakapout na sabi ni Ali.  Cute siya oo pero mas cute ako dzuh.  Chubby ng mga cheeks niya parang kay Cinth din,  tapos hot naman kami ni Hope.

"Diba hope? " siniko ko siya ng mahina at tinaas baba ang kilay ko. 

"Huh? " taka niyang tanong.

"Wala. " sabi ko nalang,  Lintik talagang Cream stick nayan.  Nasobrahan sa emagination. 

Naka indian sit pa din si Cinth at ngayon ay hawak nanaman ang libro niya.  Di nako nag abalang tignan kung anong libro yun,  basta ang alam ko mahilig yan sa fantasy, sci-fi and action genres.


*silence*










*yawns*

"Haaayy.  Pwede ba matulog muna? " tanong ko sa kanila habang nagy-yawn.  Inaantok na talaga ako.  "Kahit idlip lang. " saka ko pinatong ang braso ko sa mukha ko. Kapagod.

"Okay,  gigisingin ka nalang namin pag 4:20 na. " sagot ni Hope.  Di nako sumagot pabalik at umidlip nalang muna.
























"Babush!  Una na me. " pagpapaalam ni Ali samin.  Nagwave nalang kami nila Hope at Cinth saka siya pumasok sa kotseng sundo niya.  A mini limo. 

Sumakay nadin kami sa kanya kanya naming sasakyan.  Hope is with her Ferrari F8 Tributo.  Cinth is with her Bugatti Veyron.  While I am with my Bentley.


Nagpaalam na kami sa isa't isa sa pamamagitan ng pagbubusina.  Saka ko pinatakbo ng mabilis ang sasakyan ko. Wala namang sagabal sa kalsada ngayon,  although 5 pm na.  Ayos nadin to,  marami padin kaming aasikasohin no. 














Pinark ko na ang sasakyan ko sa garage ng bahay este mansion.  Pagbaba ko ay dere deretso lang akong pumasok,  hindi ko na nilingon ang mga bumabati sakin.  The maids.  Nakakairita,  bat kaylangan pang luminya at sabay sabay yumuko? 

Pinigil ko nalang ang sarili ko. Umakyat nako sa hagdan patungo sa kuwarto ko.  Pero bago pako makapunta dun,  kaylangan ko munang lagpasan sa lungga ng isa pang hudas. 

Minaintain ko lang ang straight-look ko.  Ayaw kong lumingon....

"Blanche. "

Pero wala akong manggagawa.  Pagdating dito,  isa lang din akong puppet. Isa lang din nilalang na sumusunod sa utos.  You're wondering now?





Tumigil ako nang tawagin niya ang maganda kong pangalan.  Sana ngalang ay isang banal ang bumigkas non,  pero hindi ei,  hudas 'to.  Nilingon ko siya at binigyan ng bored-look.  Di nako nag abala pang iliko ang katawan ko para makipagharapan sa kanya.

Tinaas niya ang kilay niya. Saka niya binaba ang maliit niyang salamin gamit ang madumi niyang mga kamay.  Madumi pero di kita.

"Rude. " matalas ang mga tingin niya sakin.  Teka,  nakalimutan ba niya na siya ang dahilan ng ugali ko sa kanya?  Hayst,  walang kwenta.




"Mianhe,  'Appa'. Pagod ako. " saka ako dumiretso ng lakad.  Bahala siya kung maputol man ugat niya jan.

"Blanche! "

*step step*


"Blanche! "

















Buti naman tumigil siya sa kakatawag,  tsk.  Nang marating ko ang kuwarto ko ay agad agad akong pumasok at tumungo sa higaan ko.  Gosh,  pagod na talaga ako huhu.  Binugbog pa'ko ni Cinth kanina ei.

Di ko na namalayan,  sinakop na'ko ng kadiliman.












Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas.  Kalabog.  Agad akong bumangon para tignan yun.  Chismosa ako ei.  Malay mo maichika ko pa 'to kela Ali bukas.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ko.  Tinignan ko muna ang magkabilang side ng lobby,  baka kasi may biglang sumulpot.  Suot ko padin ang pangtulog ko.  Nagbihis ako kanina.



Dahan dahan lang din ang lakad ko,  grabe ang lakas ng kalabog.  Sino nanaman kaya ang nag-aaway?  Lumapit ako sa edge nang hagdan at sumandal sa dingding.  Kitang kita ko ang dalawang anak ni hudas na nagsasalpukan. 

Anong trip nila at ang aga nilang nag wristling? 



"Alam niyo ba kung anong oras pa,  mga 'oppa'. "Nakacross arms kong bungad sa kanila.  Nag echo ang boses ko sa mansion nato,  rinig na rinig nila kaya't napalingon sila sa direksyon ko.


"Anong naisipan niyo at nagbubugnuan kayo diyan? " tahimik lang sila at tumingin sa isa't isa ng matalas.  Bumalik din sila ng tingin sakin at.....  naka smile ha.


"Nothing,  princess. " sabay nilang bigkas,  kuya ko sila. At sila lang ang nagpaparamdam ng aruga saakin dito sa bahay.  Ini spoil din nila ako,  pero hindi din. 



"Hayst.  Matulog nanga kayo,  baka magising pa ang hudas at parusahan kayo. "

Tinalikuran ko na sila at bumalik sa kuwarto ko. Sigurado akong laro nanaman ang pinag-aawayan nila.  Lagi silang ganyan pag may isang ayaw tumanggap ng pagkatalo.


Humiga nako. Saka ako napaisip,  ano ba talaga ako?  Di ko na talaga alam.

Gising na kaya ang mga babaita?  Well,  baka pagod din ang mga yun.  Di ko nalang muna iistorbohin. Hohi.

And anyways,  gusto niyong makilala ang dalawa kong kuya?  Pwes,  kayo na ang bahala jan.  Malalaman niyo din mga names nila.

*wink*

Inaantok nako,  haaayy.. Mornight all.

~~~~~***~~~~~

Happy Reading!

-Sandrecas

My Violent TailWhere stories live. Discover now