Forty Six: Intramurals Part I (Opening)

1.1K 56 7
                                    


***

First day of intrams at sa wakas! Mapapanood ko na ang Hades na magperform on stage.

"Chiara! May naisip ka na bang sports attire para sa biyernes?" tanong ni Liyah kaya napailing ako.

"Wala pa eh. Ano bang maganda?"

"Uh, ayaw mo ng baseball attire? Tutal baseball player naman si Ashton eh, para hindi ka na mahirapan humanap ng outfit" suggest niya pa kaso masyadong mainit 'yung uniform nila eh.

Long sleeve tapos papatungan pa ng polo. Idagdag mo pa ang pants tapos helmet pa. Ang init nun panigurado. Baka himatayin ako at magkaroon ng heat stroke. Hays.

"Ayoko ng baseball outfit. Mag-suggest ka pa ng ibang sports" saad ko kaya napaisip naman siya.

Nagulat ako ng may biglang sumulpot na bakla sa gilid ko. "Siz! Try mo maging swimmer" seryoso ba 'tong si Monti? Gusto niya ba akong rumampa ng naka-swimsuit? Eh kung siya kaya pagrampahin ko ng naka-swimming trunks. Baliw baliwan din 'tong si Monti eh.

"At kailan ka pa naging kabute? Sulpot ka na lang ng sulpot bigla eh" saad ko kaya napangiwi naman siya.

"Kanina ko pa kaya kayo hinahanap. Kung sa'n sa'n kayo pumupunta" stressed niyang saad bago siya umayos ng upo sa gilid namin.

"Ay oo nga pala, Monti. Anong oras ang start ng opening ng intrams?" tanong ni Zaliyah.

"Mamaya, after lunch pa dahil opening lang naman daw ngayon. Bukas pa ang umpisa ng mga laro" saad niya kaya napatango na lang kami ni Liyah.

"Mabuti na lang at isang buong week walang pasok sa academic subjects natin dahil sa intrams. Nakakapagliwaliw tuloy tayo" saad ni Zaliyah na siyang sinang-ayunan ko.

"Ay oo nga pala mga dai! May chika ako sa inyo!" parang baliw na naman 'tong si Monti ah.

"Ano 'yun?" curious na tanong ni Liyah.

Paniguradong walang kwenta na naman 'yang chika niya. Kung hindi tungkol sa mga pinapanood niyang korean dramas ay tungkol naman sa mga crush niyang lalaki dito sa school. Psh!

"Iyung mga freshmen sa soccer team! Mga papi!" parang uod na hindi mapakali sa sobrang kilig. Hays.

Sabi na eh. Tungkol sa pagiging malandi na naman niya ang chika niya. Hays. Wala na talagang pag-asa ang baklitang 'to na magbago. Gusto ko pa naman siya maging straight kasi sayang eh. Hays.

"Seriously, Monti? Pati ba naman first years ay papatulan mo? Magmukha ka pang pedophile niyan sa ginagawa mo eh" saad ko kaya ngumuso naman siya.

"Eh paano naman kasi dai! Hindi naman sila mukhang mga bata! Feeling ko nga ay kasing edad lang natin sila eh! Tapos ang tatangkad pa!"

"Talaga? Tara silip tayo Chiara" aya naman ni Zaliyah kaya hindi ako makapaniwalang tinignan siya.

"Pati ba naman ikaw, Liyah? Akala ko ba loyal ka kay Light?" tanong ko pa kaya napangisi naman siya sa akin.

"Siyempre loyal ako sa kanin. Pero mas masarap ang kanin kapag may kasamang iba't ibang ulam! Hahaha!"

"Correct ka diyan, Zaza!" pagdating talaga sa lalaki ay nagkakasundo ang dalawang 'to. Hay naku!

"Tara na kasi, Chiara! Hindi naman magagalit si Ezequiel sa'yo kasi wala pa naman kayong label" eck? Gaga talaga 'tong si Monti. Sarap kalbuhin minsan eh.

"Tss! Sige na, sige na! Basta sisilip lang tayo ah? Ayokong magtagal do'n" saad ko kaya napapalakpak naman siya sa tuwa. Psh!

"Omz! Tara na! Hindi mo ito pagsisisihan! Hihihi!" napangiwi na lang ako sa kakulitan nilang dalawa. Paano ko ba naging kaibigan ang mga 'to? Aish!

SECTION CLOVER ✓Where stories live. Discover now