Simula

20 3 0
                                    

Prologue

I was twelve at that time when I met him. He's so rude but handsome.

"Reinnah! Saan ka na naman pupunta at kakain na tayo ng tanghalian," Sigaw ni manang Coring. Ang taga bantay ng aming bahay tuwing lilisan ang aking mga magulang para mag trabaho.

Ngumiti lang ako bago sumagot ng, "Diyan lang sa tabi- tabi!"

"Naku! Siguraduhin mo lang at malilintikan ka talaga sa'kin!"

"Opo!"

Nakangiting naglalakad na ako papunta sa isang kanto. Pupuntahan ko si, Rita. Ang nag- iisang kaibigan ko dito sa bayan ng Heleriah.

Papalapit pa lang ako sa bahay nila nang matanaw ko na agad si Rita. Naka puting dress at naka ponytail.

"Reinnah! Mabuti nalang at dumating ka na. Kanina pa kasi kitang hinihintay," Patakbo itong lumapit sa akin. Dala- dala ang kanyang paboritong laruan. Si Lara, ang kanyang manika.
"Ano na? Nadala mo ba?"

"Ah, oo, ito nga oh. So, where do we plan to held our picnic?" Excited na tanong ko.

"E, ikaw? Saan mo ba gusto?" Biglang tanong nito. Napataas ako ng kilay.

"Akala ko ba, planado na ang lahat?" Buntong hiningang tinignan ko s'ya.

Nagpakahirap akong dalhin itong isang basket na may maraming laman na prutas, masyado pang mabigat dalhin, tapos ito lang? Tatanongin niya ako kung saan ko gusto? Hayst.

"Sige na nga, doon nalang tayo sa dati. Maaliwalas naman doon at malinis, kaya puwede na siguro iyon," Nakangiting sambit niya.

"Ikaw ang bahala, pero sa susunod, dapat ibang place naman para maganda. Hindi 'yong ganoon parin ang makikita natin," I suggest.

"Sure."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa pupuntahan namin. Ang tambayan. Puro kakahuyan ang nakapaligid doon at makakapal ang mga damo. Sa gitna niyon ay may isang malaking kahoy, at sa itaas naman ay ang tree house na ginawa pa namin.

"Wow! Ganoon parin ang itsura, halika Rein," pumwesto siya sa tabi ko. "Mag picture tayo, tapos i po post ko sa facebook. Pang remembrance!" Agad nitong inilabas ang smartphone at iniharap sa mukha namin. We took a two shot bago magdesisyon na akyatin ang tree house.

Nag bakasyon kasi sina Rita sa Hawaii noong nakaraan, at ngayon lang ulit naka uwi. Kaya naman ay matagal tagal kaming nakabalik dito.

Minsan nga, naiinggit ako sa kanya, dahil lahat ng gusto ni Rita, nakukuha niya. Samantalang ako, kahit cellphone nalang sana wala pa.

"Sana araw- araw ganito nalang lagi. Iyong tipong masaya lang tayo at walang problema," Nakangiting bulalas ni Rita na ikinataka ko. "Ang bata- bata pa kasi natin para magkaroon ng problema." Tumango ako bilang pagsang- ayon.

"Bakit, may problema ka ba?"

"Meron."

"Ano naman?"

"Pupunta na kaming Amerika," Malungkot na sagot ni Rita.

Nagtataka ko siyang tinignan, "Oh, tapos? Anong problema dun? Amerika lang pala e, saka diba, pangarap mong makapunta sa lugar na iyon?"

"Iyon na nga e, hanggang ngayon nahihirapan parin akong mag english. Mamaya, mam-bully 'yong mga amerikanong hilaw na 'yon." Nakangusong aniya. Problemadong problemado. "Mabuti ka pa, marunong na."

Napaisip naman ako, "Kung sabihin mo nalang kaya sa mga magulang mo na ayaw mong pumunta dun?" Suhestiyon ko.  "Dito ka nalang para hindi ka na ma-bully."

"You're right! Mabuti pa nga." Nakangiting sinimulan na naming kainin ang mga prutas. Maya- maya pa ay naging malungkot na naman ang mukha nito. "But sad to say, ayaw kung ma disappoint yung parents ko. Lalong lalo na si dad. Gusto kasi nilang doon nalang ako mag- aral."

Nalulungkot narin ako para sa kaibigan ko.  Pero wala akong magawa para sa kanya.

Ano ba ang dapat gawin para mapasaya siya? Ganoon ba ang mga mayayaman? Maraming problema?

Simula noon, hindi na ako nangarap na maging mayaman pa. Iniisip kung problema lang ang dulot nito. Gusto ko, sa paglaki ko, mahirap parin hanggang mamatay. Para no problem!

Mabilis na lumipas ang panahon. Si Rita ay pumunta na ng Amerika para doon manirahan sa kanyang lola. Habang ito ako at muling napag- isa. Laging napag- iiwanan.

Lagi narin akong pumupunta sa tree house kapag sobrang miss ko na si Rita. May isang araw pang pumunta ako doon. Bit- bit ang isang basket na puno ng prutas. Sa isip- isip ko, sana may cellphone din ako para man lang makapag kumustahan.

Aakyatin ko na sana ang tree house nang may mapansin na kakaiba. Sa ibaba ng hagdan, may dalawang pares doon ng tsinelas. Hindi iyon pamilyar sa akin. Medyo kinakabahan pa ako habang paunti- unting umaakyat.

May ibang tao bukod sa akin? Sino kaya ito? Sana hindi ito masamang tao at wala akong balak na ibigay itong hawak ko.

Bawat hakbang ko ay gumagawa ng ingay. Anumang gawin kung pag dahan- dahan. Gawa lang kasi ito sa kahoy kaya may tunog kapag inaapakan. Kabadong kabado ako habang pilit sinisilip ang bukana nitong kurtina. Natigilan ako sa pagsilip nang may makitang nakahiga doon. Nakatalikod sa akin.

Isang lalaki? Sino kaya 'to?

Maraming katanungan ang namumuo sa isip ko. Kagaya na lamang ng kung ano ang ginagawa nito at bakit siya dito natutulog gayong hindi naman ito sa kanya.

Paano na'to? Hindi ako puwedeng bumalik sa amin. Malayo- layo pa ang lalakarin ko kung ganoong babalik pa ako. Saka sa amin naman itong tree house, kaya bakit ako ang aalis? Hindi ba dapat ang lalaking ito? Na lapastangan ang pagpasok.

Ngunit, pa paano ko ito mapapa-alis gayung mahimbing itong natutulog? Hahampasin? Sisigawan? O bubuhatin tapos ihuhulog sa lupa?

"Sino ka?!" Biglang sumigaw ang lalaki dahilan para maibato ko sa kanya ang basket. Nagkalat sa sahig ang lahat ng prutas. Nagpagulong gulong naman ang lalaki habang iniinda ang sakit nang pagbato ko. "Are you trying to kill me, women?" Galit na galit niya akong tinignan.

Ang gwapo niya......

Agad ko siyang nilapitan, "Masakit ba?" Nag- aalalang sambit ko.

Nanlilisik ang mga matang tinignan niya ulit ako. Hawak- hawak nito ang kanang brasong natamaan ko. "Are you blind? What kind of questions was that? Kung ikaw kaya ang babatohin ko malamang masakit," aniya pa. Bigla akong napaatras.

Pero....

"Aba'y nagtatanong lang, e!" Tumayo na ako at sinimulang kunin ang mga prutas na nahulog. "Sumisigaw kapa kasi, e, tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo."

"Malay ko bang babatohin mo ako!"

Ang pangit ng ugali!

"Puro ka malay, sana nawalan kana ng malay," inis ko pang sambit.

"Anong sabi mo?" Inis nitong singhal. Hindi na ako sumagot at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa. Nang matapos ay tumayo na para sana harapin ang lalaking walang galang kung makapag salita. Nagulat ako nang malingunan ang mukha nitong kanina pa sa likuran ko. Muntik pa akong mawalan ng balanse. Mabuti nalang nahawakan ko agad ang pulo niya. Ang masama pa ro'n ay sabay kaming bumagsak sa sahig at nagkalat ulit ang mga prutas. Naramdaman ko na lamang ay may nahalikan na akong malambot na kung ano sa mukha niya. Nang buksan ko ang mga mata ko. Pareho kaming gulat na nakatingin sa isa't isa. Nagtatanong ang mga matang nakatingin siya sa akin.

Did he just kiss me on my LIPS?! No way!



Continue.............................

TOTALLY STRANGERWhere stories live. Discover now