CHAPTER 1

14 2 0
                                        

Chapter 1: THE GOLDEN MAP

"So, who's coming with me?" Nakangising tanong ni Jerylle. Isa sa mga kabarkada ko. Iwinagayway pa ang ang isang kamay. Habang ang kaliwa nama'y may hawak na can beer.

"Saang lugar ba 'yan?" Tanong ni Jack.

"Sa isang beach resort," si Anne ang sumagot. Ang kikay naming kaklase. Lumapit ito kay Jerylle at bahagyang yumakap.
Napailing nalang ako.

Buntong hiningang nilagok ko ang hawak na coke. Nagulat pa ako nang biglang may kumuha niyon at deretsong inilagay sa basurahan. Hindi ko yata inaasahan 'yon.

"We're bloomy," Si Anne na nakapameywang na sa harapan ko. "We don't drink that kind of, you know..." She showed me her seductive smile, "Cheap drinks." Dugtong pa nito. "We are all in diet, you must not forget about that," saka ito maarteng naglakad palayo.

I sigh.

Napailing nalang ako. Tumingin sa likuran at nakitang nakikipaglampungan na si Anne kay Jerylle. Nasasayahan naman ang gago. Wala sa sariling kinuha ko nalang ang isa pang coke at palihim itong inumin.

By the way, my name is Riennah Valdeza. Just an ordinary girl who's enrolled in Private University, or should I say Luna University. One of the member of Bloomy Club. Bloomy Club is for fitness and has many rules. The first rule is, you can't drink such as coke, or anything that can make you fat. They say, if you follow all the rules, it can developed good posture.

Well, I hate following someone's rules. It sucks!

Nandito kami sa Science Laboratory. First day of class na wala akong gana pumasok.  Maingay ang bawat sulok nitong classroom namin. May ibang nag- uusap, may ibang nang ti-trip, may ibang natutulog o inaantok, at may ibang nakatingin lang sa harapan. Hindi kasi pumasok si Miss Sarah kaya maingay ngayon. Miss Sarah is our new teacher starting today, until the end of this whole year. May ibang magkakakilala na at may ibang ngayon palang magkakilala, kaya masyadong  tahimik dahil nahihiya pa makipag halubilo sa iba.

"Hey," May biglang tumabi sa akin. "Why are you so quiet? Is there something bothering you?" Nag- aalalang tanong ni Nathan. Isa rin sa kabarkada ko. We are good friend though.

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya, "It's nothing."

"Nah, I don't believe you,"  Mas lalo pa s'yang dumikit sa akin. Umusog naman ako ng kaunti.
"Sa tagal- tagal ba naman nating magkasama, ngayon ka pa talaga magkakaganyan? I know you so well," seryosong sambit nito. "C'mon, tell me what's the problem," pagpupumilit pa nito.
Napatitig ako sa mga mata niya.
May kung sino doon ang kahawig niyang tumingin. Isang lalaking lagi kong napapaginipan. "Maybe I can help you," dugtong niya pa.

Napailing lang ako bago nilagok ang coke na hawak ko. "Don't mind me. It's just like, I'm so tired these days."

I just hate this month.......

"Why? Ano ba ang ginagawa mo ngayong araw na'to, at puyat ka?" Interesadong aniya. Nakakatuwang para siyang isang bata na gustong makinig ng fairy tale. Napaka inosente niyang tignan. Lalo pa't palaging nakakunot ang kanyang kilay na aakalain mong palaging galit. Mga ngiting kay sarap titigan. But then, he's not my type. Siguro na guwa-guwapuhan lang ako.

"Doing some chores-"

"Doing some chores? At your house?" Hindi makapaniwalang aniya. "Hindi ba, may maids kayo at home? Paanong naglilinis ka?" Napairap nalang ako. Ang hirap naman bolahin nang ganitong klaseng tao.

"Meron naman," sagot ko. "But you know, I got bored at walang magawa, that's why."

"Then. If that's the case, I suggest you must go to gym. Pampalipas oras. Hindi ba tayong mga bloomy iyon parati ang ginagawa kapag bored? Anne always suggested it."
Tama nga naman. Si Anne nga ang palaging nag suggest na pumunta sa gym. Kaya nga ang ganda na ng katawan ni Anne. Iwan ko lang kung umepekto ba sa'kin.

TOTALLY STRANGERWhere stories live. Discover now