CHAPTER 2

22 3 0
                                        

Chapter 2: Panyo

" 'Nay, hayaan mo muna si ate Reinnah, at baka ma late 'yan sa klase." Kumuha si Jane ng tubig at deretso iyong nilagok.

"Sinong may sabi sayong magsasalita ka, habang nagsasalita ako?" Galit nitong tinignan si Jane. "Aba't kinakampihan niyo na ngayon itong si Reinnah, gayong ang dami na nating utang dahil sa babaeng ito!" Tinignan ako ni Auntie ng masama. Nanatili nalang akong nakayuko. "Sa dinami- dami ba naman ng mga eskuwelahang pa pasukan, iyon pa talagang mamahalin ang pinili. Ano ka, parang sinuwerte?"

"Sorry po, auntie." Iyon nalang ang nasasabi ko tuwing sinasabihan niya ako ng masasakit na salita. Hindi naman ito yung una. Pero, parang bago parin sa pandinig ko. Iyon naman parati ang sinasabi niya. Parang sirang plaka na araw- araw nagsesermon.
Hindi na napagod.
"Kapag may pera na po ako, babayaran nalang po kita."

"Anong sabi mo? Babayaran? Kailan pa? Hanggang sa maubos na itong buhok ko kakaantay? E, nag- aaral ka palang ngayon. Kung makapagsalita, akala mo, nagtatrabaho na." Umirap ito sabay subo ng spaghetti.

Huminga ako ng malalim. Kalma ka lang Reinnah. Masasanay karin. Magtitiis muna tayo hanggang sa maipakita ko sa mga taong ito na may maibubuga din ako. Na kayang maipagmalaki.
Tinignan ko ang pagkain sa harapan. Purong masasarap iyon. Ngunit, nawalan na ako ng ganang kainin pa ang mga iyon.
Kahit pala gusto mo ang isang bagay, kapag may isang taong nagpapaalalang you are not worth it. Maglalaho rin ang lahat.

"Bakit nandito pa kayo? Magsilayas na nga kayo. Mga walang kuwenta!" Dumagundong ang boses ni auntie sa buong kabahayan.
Nagkatinginan kami ni Jane. Hindi namin mawari kung ngayon na ba kami aalis o hindi. "Ano? Hihintayin niyo pang magpasko bago kayo umalis? Naku. Tigil- tigilan niyo akong dalawa at hindi pa pasko ngayon para patawarin ko ang mga kasalanan niyo."

"Kasi.. Yung baon ko po, nakalimutan n'yo," Mahinang sambit ni Jane. Bahagya pa itong napaiwas ng tingin.

"Anong baon ba ang pinagsasabi mo? Ako nga dapat ang bigyan mo ng pera para sa lahat ng sakripisyo na idinulot niyo sa buhay ko. Sa paghihirap kung ipaanak ka ng maayos, at bigyan ng magandang buhay kahit ako naman ang karapat dapat mabigyan!"

"Pero... Kasi.. W- wala p- po akong pera pamasahe." Utal- utal nitong saad. Malapit nang maiyak.

"Problema ba 'yon? E, di, Huwag ka ng mag-aral." Saka ito umalis. Iniwan kaming dalawa ni Jane.

Tinignan ko si Jane at nakadama ng awa para sa kanya. Kung noon ay gusto ko nalang maging mahirap para iwas problema, ngayon naman ay gusto ko ng umasenso sa buhay. Akala ko ang mga mayayaman na ang may problemang hinaharap dito sa mundo. Ang mga mahihirap rin pala. Natutunan kong hindi palaging iniiwasan ang problema. Minsan, kailangan mo din harapin ng buong tapang para hindi na bumabalik ang ibang tinakasan mo. Hindi ko maisip na sa ganitong murang edad pa kailangan pagkaitan ng magandang buhay na nararapat si Jane. Masyadong maaga para harapin niya ito.

"Anong klaseng ina siya! Kung ituring niya ako, akala mo, hindi galing sa kanyang sinapupunan." Galit na wika ni Jane. Nilapitan ko siya. "Alam mo ate, minsan, naiisip ko, sana iba nalang ang naging magulang ko. Iyong tipong aalagaan at mamahalin ako. Susuportahan sa lahat ng desisyon."
Hindi ko mahanap kung anong magandang sagot ang ipapayo sa kanya. Iba man ang pinagdaan ko noon. Hindi man kami magkatulad. Pero, iisa lang ang sakit na mayroon kami kaya wala akong maisip kung ano ang sasabihin.

"Pasensya na, wala akong maisip kung ano ang ipapayo sa'yo." Malungkot kung sambit.

Mapait itong ngumiti. "Okay lang po, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay payo ang kailangan. Minsan, tagapakinig din." Namangha ako sa kanyang sinabi. Hindi ko aakalain na ganyan ang sasabihin niya gayong ako ang matanda. Ako dapat ang nagbibigay ng advice pero parang nag- iba ang ikot ng mundo. "Tara na po at baka ma late na tayo pareho."

TOTALLY STRANGERWhere stories live. Discover now