Chapter 5

4.5K 234 45
                                    









Unedited...












Kakagising lang ni Maddie dahil may nakapasok na lamok sa kulambo nila at hindi na siya makatulog dahil sobrang ingay nito at sa tainga pa talaga niya nagbubulong ng kung ano ang lamok. Hindi naman niya mapatay-patay dahil agad namang nakakaalis kapag tanggain niyang patayin.

Naupo siya sa gilid at pinagmasdan si Neo na nagbabantay sa niluluto.

"Mawawala ba 'yan at kailangang bantayan mo talaga?"

"Kumakain ka ba ng nilagang kamote?" tanong ni Neo.

"Oo naman!" sagot ng dalaga.

"Iyan ang umagahan natin."

"Okay," sagot niya. Actually, madalas na hindi siya kumakain ng breakfast at sanay siya sa tsaa o gatas lang.

"Aalis pala ako, ikaw na muna ang bahala sa mga bata."

"Yaya ako? Sana man lang sahuran mo ako!" sabi niya at inirapan ang kaharap.

"Wala akong pera, ni hindi nga ako makabili ng bugas(bigas)".

"Shampoo lang," sabi niya. "O baka mag-usap kayo ng mga impakto kong pamilya, baka pakisabing pahingi naman ako ng punyetang ayuda, shampoo at sabon lang."

"Wala na akong balita sa kanila. Minsan lang naman kami nag-usap. Siya nga pala, pasukan na sa susunod na linggo, kailangan nang mag-aral ng kambal."

"Bahala ka. Anak mo naman 'yan."

"B-Baka pwede mo silang turuang magbasa at magsulat?" pakiusap ni Neo dahil siya man, hindi ganoon kagaling magbasa. Grade one lang talaga ang natapos niya at marunong lang siyang magsulat ng pangalan at magbasa ng pera.

"Di lang ako yaya, private tutor pa!"

"Anong tutor?"

"Nagtuturo!" sabi ni Maddie na napipikon sa pagkamangmang ng kaharap. "Wala ka ba talagang alam? Ne hindi mo pinursigi ang pag-aaral mo?"

"No read no write ang mga magulang ko at minsan lang sila lumuluwas sa bayan kapag may ititinda at bibili ng pagkain," sabi ni Neo. "Sa isang kahig isang tuka, sa tingin mo, makakabili pa ba sila ng notebook at papel para sa akin?"

Dahil sa kahirapan, napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Maliban sa palagi siyang tinutukso, wala rin siyang baon at sobrang layo ng paaralan. Itong kalabaw niya, pinag-ipunan talaga ito ng ina niya.

"Ano pala pangalan ng kalabaw ninyo?" tanong niya.

"Bawbaw," sagot ni Neo.

"Wala na bang ibang pangalan? As in Bawbaw de carabao?"

"Mga bata ang nagpangalan sa kanila." Nang mabili ng ina niya ang kalabaw, saka naman ibinalita sa kanya na nakapanganak na ang ina ng kambal.

"Weird ng anak mo!" sabi ni Maddie. Hanggat maaari, ayaw niyang ma-attach sa mag-ama. Mula nang umapak siya sa kolehiyo, isinumpa niyang hindi talaga siya mag-aasawa. Mas gusto niyang maging kikay na lang at magpahabol sa mga lalaki hanggang sa ngayong 30 years old na siya, ganoon pa rin ang pananaw niya sa buhay.

"Magaganda naman," sabi ni Neo na nagpapasalamat na hindi nagmana sa kanya ang pagkaitim ng kambal. Maputi naman kasi ang ina nito kaya kung sa inumin lang, tamang-tama ang timpla nilang dalawa ng ex niya.

"Tagasaan pala ang nanay nila?" curious na tanong ni Maddie na pasimpleng sinulyapan ang kabuuan ni Neo. Malaking aeta ito dahil mas matangkad kaysa sa average height ng mga aeta pero hindi nito maipagkaila ang pinagmulan dahil sa kulay at kulot na buhok. Okay naman sa mukha, sakto lang pero hindi siya fan ng maiitim na lalaki at never pa siyang nagkaroon ng crush sa mga negro. Tanggap naman niya na maarte siya at bumabase sa laman ng bank account at kapogian.

Sa Piling ng isang Aeta (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon