UNEDITED....
"Pasok ka na nga sa loob, Neo! Malamok dito!" sabi ni Maddie nang alas nwebe na ay nasa labas pa rin si Neo. Mula nang dumating sila galing sa hospital, naging matahimikin na ang binata. "May problema ka ba? Baka ikaw naman ang magkasakit niyan?"
"Nagpapahangin lang," tugon ni Neo.
"Nagpapakagat sa lamok? Di ka nila kita eh!" ani Maddie at naupo sa tabi ni Neo. "Hindi ka pa ba inaantok?"
"Hindi pa," sagot ng binata at napatingin sa karusa. Kahit na lumuha pa siya ng dugo, hindi na maibabalik pa ang buhay ng alaga niyang kalabaw. Kung sana buhay lang si Bawbaw, may makakausap sana siya pero ngayon, mas lalo niyang naramdamang mag-isa na lang siya.
Inihilig ni Maddie ang ulo sa balikat niya kaya napatingala siya sa langit. Kung matutupad lang sana ang kahilingan niyang ganito na lang sila ni Maddie, siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo pero mukhang malabo.
"Neo, kapag bumalik na ako sa amin, bibili talaga ako ng maraming damit, sapatos at laruan para sa kambal natin," sabi ni Maddie na kasing ningning ng bituin sa kalangitan ang mga mata.
"Masaya naman sila kahit na hindi bago ang mga gamit nila," ani Neo.
"Hanggang kailan, pangit?" bulalas ni Maddie. "Mga bata pa yan sila at hindi malabong hahangad sila ng mas higit pa sa ibinibigay mo. Come on, Neo!"
"Alam kong hindi ko naman kayang ibigay ang gusto nila pero anak ko pa rin naman sila," depensa ni Neo.
"Anak mo naman talaga sila. Sino ba ang may sabing hindi?" ani Maddie na tumaas ang boses kaya napakamot si Neo sa ulo. Galit yata si Maddie kaya hindi na siya dadagdag pa sa usapan. "Teka, ano ba ang pinupunto mo, Neo?" Nang hindi sumagot ang binata, hinampas niya sa balikat. "Ano na? Sumagot ka!"
"W—Wala naman," sagot ng binata.
"Mayroon eh! Masama bang humangad ako ng malaki para sa mga anak ko?" inis na sabi ni Maddie. "Bilang ina, masama bang umasam ako na sana ay maibigay ko ang pangangailangan ng mga anak ko?"
"Wala naman akong sinabi e."
"Mayroon eh! Parang ayaw mo kasing mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak natin!" inis na sabi niya.
"Wala naman akong sinabi."
"Not exactly pero iyon na 'yon! Ano, sasagot-sagot ka pa ha!"
Hindi sumagot si Neo dahil baka humapa pa ang pagtatalo kaya mas lalong umusok ang ilong ni Maddie tapos hinampas na naman sa balikat si Neo. "Nanggigigil ako sa kaartehan mo, Neo! Huwag kang tumabi sa akin ha! Dito ka sa labas matulog!"
Padabog na bumalik siya sa loob ng bahay at tumabi sa mga bata. Pabalikwas lang siya sa higaan lalo na't hindi talaga pumasok si Neo kaya bumangon siya at kinuha na niya ang itak tapos gigil na lumabas.
BINABASA MO ANG
Sa Piling ng isang Aeta (R-18)
Genel Kurgu"Sa Piling ng isang Aeta" Kasalanan ko ba kung mas hot ako sa asawa nila? Dahil sa kadramahan ng mga asawang tanga sa social media, binansagan akong "kabet ng bayan at anay ng tahanan". Halos isumpa ako ng buo kong pamilya kaya ipinadala nila ako sa...