. . . ⇢ 17 ˎˊ˗

395 19 3
                                    

someone suddenly came back.

shin charlotte.

she's sunoo's first girl friend (girl na friend), his noona and his first crush. pero ang crush na 'yon ay purong paghanga lang. walang kakaiba, hindi tulad nang nararamdaman niya para kay danica.

kasalukuyan silang nasa cafeteria or canteen whatevs, nakalimutan ko na kung canteen ba ang tawag ko o cafeteria sa fanfic na 'to lol. magkasama silang magt-tropa habang kumakain nang makita nila si charlotte.

sunoo wanted to talk to her pero pinipigilan siya ni jungwon kaya hindi siya nakakalapit dito. hindi pa kasi napapatawad ni jungwon ang nagawa ni charlotte sa kanila at kay sunghoon kung kaya't ganito siya makitungo sa dating kaibigan.

pero si sunoo ay matagal na pinatawad si charlotte.

hanggang sa nagkaroon sila ng time na makapag-usap dahil biglang nagkaroon ng breakdown si charlotte kaya heto sila ngayon, magkasama, nagkakamustahan at nagkwekwentuhan.

pero natigil 'yon nang makita ni sunoo ang babaeng hindi niya na nakakausap ng ilang araw. after kasi sabihin ni danica ang lahat ng 'yon ay nag-iiwasan na sila.

pero ginawa 'yon ni sunoo para bigyan ng space ang dalaga at makapag-isip ng tama.

"danica.." mahinang usal ni sunoo at agad nilapitan si danica na may kasamang lalaki.

nang tuluyan siyang makarating sa kanila ay agad niyang hinawakan si danica sa pulusuhan na ikinagulat ng dalaga at kasama nitong lalaki— si nico.

"bakit kayo magkasama? at bakit kailangan gabi pa?" bakas sa boses ni sunoo ang pagkaseryoso na may halong galit na ngayon lang narinig ni danica.

magsasalita sana si danica pero hindi niya na itinuloy pa at dali-daling naglakad paalis. biglaan at walang pasabi. nagulat si sunoo at bago sundan ang dalaga ay binigyan niya ng nakakamatay na tingin si nico na nagtataka sa mga nangyayari.

"bakit galit sa'kin 'yon? mukha ba 'kong kontrabida? sa gwapo kong 'to?" nasabi na lang ni nico habang pinapanood ang dalawa na maghabulan.

-♡️-

danica
@danicakyot

sunoo
nasa labas ako ng bahay niyo, mag-usap tayo

danica
sunoo please umalis ka na

sunoo
pero kailangan nating mag-usap

sunoo
sabi mo hindi mo kaibigan si nico at hindi mo rin siya boyfriend pero bakit kayo magkasama ng gabi na?

danica
basta, umalis ka na lang

sunoo
no, hindi ako aalis hangga't hindi mo ko kinakausap

sunoo
kahit dito na ko sa labas matulog, hihintayin kitang lumabas diyan para lang kausapin ako

sunoo
please danica, mag-usap tayo please..

danica
im sorry

-♡️-

danica doing this for sunoo.

hindi niya gustong iwasan si sunoo at palayuin ang binata sa kanya dahil sa totoo lang? kung pwede lang, makikiusap siya na 'wag siyang iwan ni sunoo.. pero hindi pwede.

kapag hindi pa sila lumayo sa isa't-isa, masasaktan lang niya si sunoo at ayaw niyang mangyari 'yon.

napabuntong hininga na lang si danica at lihim na sumilip sa balcony nila para tingnan kung nandoon pa rin ni sunoo. napapikit na lang siya nang makita ang binata doon at napailing-iling.

"it's already 1am, bakit hindi pa rin siya umuuwi? gabing-gabi na." mahinang usal ng dalaga sa kanyang sarili.

for the nth time, danica let out a deep sigh saka lumabas ng kanyang kwarto para lumabas ng bahay. nang makalabas siya ng tuluyan ay nanlambot siya nang makitang nakatulog na si sunoo sa labas ng kanilang bahay.

wala siyang nagawa kundi gisingin ang binata na agad namang nagising. napakurap-kurap pa si sunoo at nang makita niya si danica sa harapan niya ay hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad itong sinugod ng yakap.

saka bumulong.

"please, 'wag mo na ulit ako iiwasan."

personal sunshine. ksnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon