. . . ⇢ 18 ˎˊ˗

404 26 16
                                    

danica
@danicakyot

danica
nauna na ko sa BU, naghanda na rin ako pagkain at wala na din sila tita diyan. ikaw na lang ang mag-isa na nasa bahay

sunoo
iniwan mo ko :(

sunoo
de joke hehe

sunoo
pero ikaw ba nagluto nito?

sunoo
ang sarap!

danica
salamat

danica
sige pupunta pa ko ng library para mag-aral

danica
paki-lock na lang ng main door at ng gate kung aalis ka na

sunoo
bakit ang cold mo?

sunoo
nica ano bang nagawa ko para maging ganito ka sa akin? may nagawa ba kong mali?

sunoo
kasi kung meron, im sorry

sunoo
im really sorry just please stop acting like this

sunoo
pakiramdam ko kasi ayaw mo na sa akin

sunoo
danica ano ba kasing problema?

danica
sorry i have to go

sunoo
:(

-♡️-

sunoo @brightsunoo

i missed the old you, bakit ba ang cold mo na? :')

reply | retweet | like

-♡️-

nanatili lang sa bahay nila danica si sunoo. kasalukuyan siyang nasa kwarto ni danica at nakabusangot. and yes, dito natulog si sunoo pero wala ng ibang nangyari pa.

hindi rin pumasok si sunoo hanggang sa dumating ang oras na uwian na ng BU at hindi rin nagtagal ay nakauwi na si danica sa bahay.

gusto ni sunoo gulatin ang dalaga dahil nandito pa rin siya pero mukhang si sunoo ang nagulat nang makita niya si danica at nico na magkasama at nag-uusap sa salas.

hindi nakagalaw si sunoo at nanatili lang nakatitig sa dalawa na may malalim na pinag-uusapan.

"dad already fixed everything. siguro after 3rd quarter, uuwi ka na sa america." rinig ni sunoo na saad ni nico.

sunoo blinked, uuwi siyang america..?

danica just smiled faintly. "thanks.."

napansin ni nico ang lungkot sa boses nito kaya napatikhim siya at tiningnan ng diretso ang dalaga. "alam na ba 'to ng boyfriend mo?"

"b-boyfriend ko?" gulat na bulaslas ni danica.

"boyfriend? di'ba boyfriend mo si kim sunoo?" sagot ni nico na ikinailing-iling lang ni danica.

"h-he's not my boyfriend.."

"eh?" hindi makapaniwalang usal ni nico. "hindi mo siya boyfriend pero kung maka-asta siya parang girlfriend ka niya? grabe nga 'yon makatitig sa akin, parang papatayin ako. pinagseselosan ba 'ko non?"

danica just sighed. "hangga't maaari, ayokong sabihin sa kanya ang about sa pag-alis ko. for sure, masasaktan ko siya.."

natigilan si nico sa sinabi nito at napataas ang kilay. "wait.. hindi ba talaga kayo mag-jowa?"

danica furrowed her brows. "hindi nga, bakit ka ba tanong ng tanong?"

"oh, chill. gagalit ka na eh." nico awkwardly laughed.

she just rolled her eyes at sa hindi inaasahan ay napatingin siya sa taas at doon ay nakita si sunoo dahilan para magitla si danica at maalarma. agad napatayo ang dalaga at walang pasabing umakyat para sundan si sunoo na ngayon ay nasa loob ng kwarto.

"s-sunoo.." usal ni danica nang tuluyan siyang makapasok sa kwarto. doon ay natagpuan niya si sunoo na pilit na nakangiti.

"bakit hindi mo sinabi agad na iiwan mo pala ako?" natawa pa ito ng pagak.

bahagyang nagulat si danica sa sinabi nito. "n-narinig mo?"

"i heard everything. pero bakit kailangan mo pa itago ito? para hindi ako masaktan? nica, mas lalo akong masasaktan kung bigla mo na lang ako iiwan without explanation." sagot ni sunoo.

"i-i'm sorry.." napayuko na lang si danica. "pero maniwala ka, h-hindi ko gustong iwanan ka. pero kailangan dahil doon sa america, magpapagamot ako at kapag nangyari 'yon doon ko rin ipagpapatuloy ang passion ko sa piano." paliwanag niya.

unti-unti siyang nag-angat ng tingin. "at si nico? he's my half brother. siya ang nagsabi kay dad about sa kondisyon ko kaya pinapauwi ako ni dad para doon ipagamot." dagdag niya pa.

napakurap-kurap lang si sunoo sa lahat ng kanyang narinig. magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan dahil sobra siyang nasasaktan sa katotohanang malalayo sa kanya si danica.

pero hindi siya selfish at kung ito ang mas makakabuti para kay danica, handa siyang pakawalan ang dalaga.

sunoo gulped as he stared at her eyes. "you know the story about how the sun loved the moon so much to the point he died every night to let her breathe?"

bahagyang nagulat si danica sa biglaang sinabi ni sunoo at nagtataka itong tiningnan. "w-what do you mean?"

sunoo smiled at her softly. "as your sun, i'm ready to sacrifice everything just to make you happy.. my moon."

"i'm ready to let you go.."

personal sunshine. ksnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon