Who killed her?

18 6 0
                                        


Pumasok ulit ng cabin nila si Amari ngunit kumakalat na dugo na ang nadatnan niya. 

"Micka? M-Mickaela?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya ng makita na nakakalat ang dugo sa sahig ng cottage house na tinutuluyan nila. Ang kaibigan niya ay nakahandusay sa malamig na sahig at puno ng dugo ang mukha. "N-nooo! Mickaela!" Sigaw niya at nilapitan ang matalik na kaibigan.

Pilit niya itong niyuyog upang magising ngunit malamig na ito at hindi humihinga.

"M-micka, g-gumising ka naman." Nauutal niyang pilit na ginigising ang matalik na kaibigan. Nanginginig na hinawakan niya ang mukhang nitong puno ng dugo, "diba sabi mo walang iwanan? M-micka tuparin m-mo ang p-pangako m-mo," nanghihina siyang napaluhod at napahulgol.

Namamanhid ang utak niya at hindi kayang tanggapin ang impormasiyong patay na nga ang kaibigan. May parte sa utak niya na tinutulak paalis ang usaping wala ng buhay ang nasa harapan niya. 

"M-micka, g-gumising ka na. Uuwi na tayo t-tapos na ang kontrata n-na'tin sa isla n-na ito. Gumising k-ka na Micka g-gusto k-ko ng umuwi." Tila ulan na nagsipatakan ang luha niya sa mukha ni Mickaela ngunit hindi ito katulad ng sa mga napapanuod niyang movie na mabubuhay ang kaibigan sa true love tears.

Natatawa siya sa naiisip. Kumawala ang tawa sa bibig niya kasabay ng pagkawala ng luha mula sa dalawang mata niya. 

"M-micka naman! Huwag mo akong e-prank." Pilit niyang niyugyog ang balikat ni Mickaela at wala siyang respond na nakuha mula sa kaibigan. "M-micka, uwi na t-tayo a-ate." Pamimilit niya ngunit wala kaya nanghihina niyang inalis ang kamay sa mukha ni Micka at napahiga nalang siya sa dibdib ni Mickaela.

Unti-unting tinanggap ng utak niya ang katotohanan at unti-unti niyang nararamdaman ang paninikip at pananakit ng dibidib niya. Hindi niya maintindihan kong anong klaseng sakit ang nararamdaman ng puso niya ngunit isa lang ang tiyak niya. Tila piraso- pirasong hinihiwa ng blade ang puso niya.

Isang impit na sigaw ang kumawala sa bibig niya. "Ayoko naaa! Tama naaa!" 

Hinampas niya ang puso niya upang mawala ang sakit ngunit mas lalo lamang siyang nasasaktan.

Habang nakayakap ang kanang kamay niya kay Mickaela, nakapatong ang ulo sa dibdib ng kaibigan, ang isang kaliwang kamay niya niya naman ay hinahampas- hampas ang sariling dibdib.

"I-It's R-Riannah, A-Amari," nanghihinang bulong ni Mickaella, na nagpaupo ng tuwid kay Amari. "G-go h-home, it's n-not y-you, it's R-Riannah." Anito na ikalaglag na naman ng luha ni Amari. Itinaas ni Mickaela ang kamay para abutin ang mukha ni Amari.

Nabuhay ang pag-asa ni Amari at napangiti sa galak.

Mickaela's bloody hand is five inches away from her face,

four inches,

three inches away from her face,

two inches,

one inches,

Mickaela's bloody hands fell down without reaching Amari's face.

"I'm sorry Mickaela. S-sana s-sinunod na l-lang kita. S-sana umuwi n-na l-lang t-tayo." Puno ng sakit ang makikita sa mata ni Amari. 

Kung sana nga, 

Pero anong magagawa niya dahil nangyari na?

MYSTERIOUS ISLAND 1: Who's the Killer?Where stories live. Discover now