I'll fight!
"Should we enter?" Tanong ko sa kanila.
"Ano ba kayo? Pananakot lang iyan! Pero kung ayaw sumama ng maarteng ito," dinuro ni Geneva si Emma, "we can leave her here naman." Panunuya niya.
Napairap na lang ako. Magsisimula na naman ba sila?
"Bakit ikaw ba ang gagastos ng kabaong ko kapag namatay ako?" Ganti ng nakapameywang na Emma.
"Hindi! Ipapaanod na lang kita sa dagat. Duh? Ba't naman kita gagastusan?" Nakangising sagot ni Geneva.
Napahawak ako sa ulo ko. Nakaka- istress ang mga ito. Napatingin ako kay Micka na seryoso samantalang si Margaux ay tila natutuwa pa. Ang mga boys naman ay may sariling conversation tapos ang ibang babae ay nakikinig lang rin sa bangayan nina Emma at Geneva.
"Bakit ka nga ulit dito sumama si Emma?" Tanong ni Gregorio sa medyo binabaeng boses but he said he's not gay. Sadyang parang bakla lang talaga iyong boses niya.
"To have fun?" Hindi siguradong sagot ni Emma.
Napairap ako at sumagot na,
"Hell is fun. Now, let's enter. We are wasting our time." Aya ko sa kanila at naunang naglakad patungong kuweba.
"Ang tapang talaga ng babe ko!" Rinig kong saad ng lintik na Rios kaya binalingan ko siya.
"Kapag nanganib kang lintik expect me not to help you. Ang sarap mong hambalusin." Sagot ko pabalik.
Nang nasa bukana na kami ng kuweba ay sabay-sabay kaming tumigil.
"Magpaiwan ang ayaw magtake ng risk." Si Micka naman na seryoso.
Napatitig ako kay Micka at binigyan siya ng matang nagtatanong na 'pwede magpaiwan?'. Parang gusto ko magpaiwan at parang nacurious din ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Tara na babe." Aya ni Bradley na boyfriend ni Micka kay Micka. Matiim ko silang sinundan ng tingin.
Sabay silang pumasok at hinintay kong sino ang susunod.
"Ikaw na Amari ang susunod na papasok." Painosenteng-asar ni Sophia.
I raised my brow and smiles sweetly at her.
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
"Oo nga. Kapag pumasok ka then we'll take a risk din." Segunda ni Gella. Hindi ko alam kung mga alagad ko itong mga babaeng 'to o mga secret simple enemy at backstabber ko.
Itong dalawang ito ang sarap umpugin.
Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko umatras pero ayaw ko namang sabihin nilang duwag ako.
"I live alone so kapag namatay ako tiyak walang may pakialam doon sa amin." Si Anamae at pumasok na rin sa cave.
"I'm in!" Ani Geneva na walang takot at alinlangan sa mukha.
"Me too. I heard that we can kill here legally. It's my chance to kill Geneva without worrying of jail." Si Emma in her maarte talk at may pahampas hampas pa sa hangin ang kamay.
Pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib ko at napangiti sa sinabi ni Emma. Usap - usapan that you can kill here legally. Isang rason kung bakit pinatulan ko ang isla na ito pero mali ang iniisip niyo
"Let's enter na pare four pm na at baka gabihin tayo. Delikado na." Si Rios at pumasok na rin.
Sumunod dito si Lian, West, Xian at Andrius.
"Yeah, I want to experience this so called weird Island of De Vega. Luckas is waiting for me inside. Ayoko ng hintayin ang desisyon ni Amari at baka hanggang alas dose tayo ditong tumayo." Si Gella at pumasok na rin kasama si Grega na maarte ngunit pasimple akong binunggo sa balikat, Jenny, Andrea, Sophia enter the fucking cave too.
YOU ARE READING
MYSTERIOUS ISLAND 1: Who's the Killer?
Mystery / ThrillerYou are fucking invited! Amari and her friends entered the most weird island with just a letter in their hand. At first it's adventurous but when the secrets revealed it's start getting serious. But the most seriously problem is, "Who is the killer?"